All Good News

Good news.
Sa wakas ay maisakatuparan na ang pagpapagawa ng tulay ng Barangay Balanti.

Malaking tulong ito sa mga residente lalo na sa mga magsasaka at mag-aaral sa kolehiyo ng nasabing barangay. Malaking tulong din ito sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga nakatira sa nasabing barangay dahil madali ng maiangkat ang kanilang mga ani at ibinebentang hayop sa lungsod at karatig na barangay.

Dagdag pa rito ang pagpapatayo ng isang Integrated High School na malaking tulong din para sa mga mag-aaral sa nasabing barangay at hindi na sila mapapalayo para magaral. Ang nag-donate sa lupa ay ang pamilyang SOLIMAN.

Bad news.
Pero ang lahat ng mga ito ay mawawalang saysay kung papasukan ng poultry ang nasabong barangay lalo na kung hindi nito masihuto ang kaligtasan ng mga sakahan at kalusugan ng mga apektadong mga residente. May mga ulat nga na malapit sa isang prayer house at sa mga shorelines ang itinatayong poultry. Tinatawagan po namin ng pansin ang kaukulang ahensiya ng ating city government upang magsagawa ng kaukulang inspeksiyon at masusing pagaaral at kung paano maibsan man lang ang masamang epekto ng nasabing poultry sa mga sakahan, sa mga mangingisda, at kalusugan ng nga apektadong mga residente.

For the record, ayon sa ating source, mayroon ng mga poultry sa paikot ng nasabing barangay at ito ay matatagpuan sa Armenia, Tibagan, at San Jose.

Good news
Nagbunga din ng maganda ang traffic rerouting at clearing opreration ng city government sa pangunguna ni FIRST LADY MAYOR CRISTY C. ANGELES at sa pakikipagtulungan ng TMU sa pamumuno ni ALEJANDRO LISTERIO. Lumuwang ang mga daan at gumanda ang daloy ng trapiko. Maganda ito sa takbo ng negosyo at sa kaayusan ng ating mga kalsada.

Pati ang palengke ay luminis. Ayon sa ating source, sisiguruhing gagawin lahat ng pamahalaang lungsod na tutupad sa kasunduan ang pamunuan ng Victory market base sa kontrata na inapruban ng City Council para sa kaayusan at kalinisan ng palengke (Uptown Market).

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *