ATTENTION : HONORABLE MAYORS OF TARLAC PROVINCE, TAKE NOTE OF THE CONDITIONALITIES OF THE ENVIRONMENTAL COMPLIANCE CERTIFICATE (ECC) OF POULTRIES AND PIGGERIES IN YOUR AOR !!!

1

2

3

5

6

MGA KAGALANG-GALANG NA MAYORS, ANG HAMON NG LINIS GOBYERNO SA INYO, SUNDAN NINYO ANG MGA MAGAGANDA AT TAMANG MGA HAKBANGIN NI MAYOR NORA MODOMO (Mayor – Sta. Ignacia). DAPAT AY PANTAY-PANTAY ANG PAGTRATO AT PAG -IMPLEMENTA NG MGA KONDISYONES SA ECC BAGO MABIGYAN NG BAGO O RENEWAL NG BUSINESS PERMIT.

Inyong mababasa ang isang example ng Environmental Compliance Certificate (ECC) na, na issue sa isang Poultry Farm nuong taon September 2017. Makikita ninyo na mayroon labing pito (17) na conditionalities o mga alituntunin na dapat sundin, ang karamihan naman ay mukhang madaling maipasatupad katulad ng mga pag-tatanim ng mga puno, proper waste disposal etc, bagamat may mga ilang kondisyones na kailangan ng i-comply at kunan ng mga permit sa Environmental Management Bureau (EMB) katulad ng nakasaad sa General Conditions No. 7 (makikita sa example ng ECC ). Ang mga sumusunod ay :

• Secure Permit to Operate Air Pollution Source Control Installations (POAPSCI) and Discharge Permit for Water Pollution Source/Control Facilities (WSPCF)
• Designate Pollution Control Officer (PCO). – (Ang PCO ay trained and certified by the EMB).
• Submit quarterly Self Monitoring Report (SMR)
• Register as Hazardous Waste Generator

Samanatala ay nais nating bigyang linaw ang aming nilathalang bahagi ng ECC Online application form noong nakaraang linggo. Ang form na ito (sa ibaba) ay ang unang pahina (out of 8 pages) ng IEE (Initial Environmental Evaluation) Checklist kung saan nararapat na i-fill-up ng tama dahil eto ang magiging basehan kung ang kinakailangan na personal na puntahan ng EMB ang proyekto para makasigurado na ang babuyan o manukan ay di makakaperhuwisyo sa kalikasan at sa mga residente.
Halimbawa, kung may paaralan, health center, etc. sa loob ng 1-km radius, dapat i-check ang box ng commercial/institutional. Ito ay napaka-critical dahil ang apektado ay mga batang walang kamalay-malay.
Ngunit may mga piggery at poultry na nagsisinungaling at hindi dinideklara ang paaralan na nasa loob ng 1-km radius, sa sapagkat puwede itong maging dahilan para ma-deny ang kanilang ECC application. Bagama’t kung mapapatunayan na nagsinungaling ang ECC applicant ay puwedeng makasuhan (dahil bukod sa form na ito ay may notaryadong sworn statement pa na kalakip ito na nagsasabi na ang aplikante ay nagsasabi ng pawang katotohanan) at puwedeng maisantabi ang naibigay na ECC.
Bukod pa sa IEE Checklist ay napakarami pang form na dapat i-fill-up ng tama ng isang isang ECC applicant at mga dokumento kailangan i-submit na hindi dapat isawalang-bahala.

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *