Good News and Bad News

GOOD NEWS
Maganda ang flow ng traffic management sa Tarlac city ngayon and the POSO staff and personnel are doing their job.
Keep-up the good work ENGR JOE DUNGCA with his reliable staff ENGR ALLAN C. PARAS.

Bad News
Noong minsan napadaan kami sa intersection sa Brgy Tibag patungong Teresa homes, nagkabuhol-buhol ang mga sasakyan. Hinabot kami ng halos 45 minutes bago nakapasok ng Teresa Homes. Walang barangay, flag man mula sa Contractor ng ginagawang daan sa mismong entrada, at wala anumang traffic assistance. This
does not only delay commuters but also business and economic activity in the area and it is counter-productive.
Calling the attention of KAP SAY SANCHEZ. KAPITANA, sana po ay matulungan natin ang ating mga kabarangay at commuters na dumadaan sa nasabing area.

GOOD NEWS
Ipinangako ni Mayor Cristy Angeles noog panahon ng kampanya na ipakukumpuni niya ang nasirang dike along Aquino blvd na kanyang tinupad. Pati nga ang usaping pagkapribado ng Uptown Market ay kangyang binigyan ng pansin. Congratz po madam mayora.

Bad News
Pero lately, may naririnig tayo mula sa ating mga sources sa palengke na papasok na rin diumano ang RCS – isang higanteng supermart tulad ng Robinson.
Paano ang ating mga maliliit na manininda?
Sana mabigyan niyo ng mas masusing pagaaral ang kapakanan at interes ng mga maliliit na maninininda at hindi lang ng mga iilan at negosyanteng malalaki.

GOOD NEWS
Malaking tulong ang pagkatayo ng Citywalk malapit sa Tarlac West Central school along Zamora street, San Roque. Marami ring mabibili na gamit sa bahay, pagkain, damit, at mga gadgets. That’s good for our economy, our people and to our government as well for increase in revenues.

Bad News
Pero ano itong umabot sa aming kaalaman na ipinagbabawal ng mga guard sa citywalk ang mga nagmemeet mula sa Online selling. Mayroon bang batas o ordinansa o kaya DTI rules o policy ba nagbabawal na magtransact ang mga tao loob ng isang commercial establishments tulad ng Citywalk? Nagtatanong lang po.

GOOD NEWS
Wala na daw barangay elections sa October 2017 na tinatadhana ng batas at Local Govt Code. It saves the Government a lot money. I-eextend na lang daw until 2020 after the Local elections. This is good for the incumbent officials and bad for the aspirants lalo na yung maagang umikot at gumastos. Kawawa naman sila.

Bad News
Pero may umiikot ding isyu na maga-apoint na lang at may ilang grupo na umiikot sa mga barangay at iyan ang kinakalat na idea. Mayroon ngang mga opisyales na sumasanib sa partido ng administrasyon o sa lokal na pamahalaan para mabendisyunan ng mga nakaupong pulitiko. Ang COMELEC tahimik pa until now kaya ang mga tao ay “still walking in the dark” so to speak as far as Barangay Election is concerned. Wala pang malinaw at PINAL na deklarasyon ang mismong MALACANANG.

GOOD NEWS
Kamakailan ay pinagkaloob mismo ni DAR SEC RAFAEL MARIANO ang mga natitirang mga bahagi ng lupa para sa mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita lalo na ang mahigit na 300 hektarya ng lupa na hindi saklaw ng aprubadong land conversion mula sa 500 na kabuuang lupa na ipambayad di umano ng pamilya ng mga
Cojuangco sa utang di umano sa RCBC. Sa pangunguna ni PSUPT BAYANI T. RAZALAN at mga PCP COMMANDERS at kapulisan naging mapayapa ang naturang rally at naiwasan ang paglala ng tension sa bawat panig. Salamat din sa pag-antabay ni KAP RODEL GALANG at ng kanyang mga bantay-bayan na umalalay sa mga otoridad at siniguro ang tahimik at maayos na dayalogo sa magkabilang panig.

Bad News
Kailangan pa ba magbuwis ng buhay, dumanak ang dugo at may mga masugatan na tao at manggagawang bukid bago makamit ang karapatan at kapakanan nila na matagal na nilang ipinaglalaban? Ka ABEL LADERA AT KAP RIC RAMOS are just two of the heroes of this struggle.

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *