GOOD NEWS
The first lady mayor CRISTY ANGELES has rallied the POSO Officials staff during a recent meeting to implement traffic rules without favoring anyone. She even stressed that NOBODY IS ABOVE THE LAW.That is a welcome development and a strong message to all violators be it officials of the city or even kamag-anak o kakilala ni mayor o ng kanyang pamilya o ng kanyang mga lider sa pulitika. Let us support MAYOR CRISTY in this regard. That is political will.
BAD NEWS
Sana naman pag nanghuli ang ating mga POSO officers, huwag naman magpadrino ang mga pulitko o lider ni MAYOR CRISTY kasi nakakademoralize ito sa mga masisipag at matatapat nating mga POSO employees. Ginagawa lang nila ang kanilang trabaho. Minsan nga may mga reports pang instead na makiusap ang mga nahuhuli, ipinagyayabang pa ang mga kamag-anak nilang pulitiko o kakilalang lider ni mayora. Worst, minumura pa at nanakot pang sila pa ang kakasuhan! Huwag naman sanang ganoon. Let’s respect the rule of law and those who faithfully enforce it. Mas maganda na makiusap na lang lalo na kung first offense pa lang. Tao din naman ang mga iyan at marunong makinig at umunawa. Huwag lang natin babastusin o mumurahin lalo na sa publiko.
o0o
CRIME STORY
Isang “bayani” tepok! – Ops, don’t get us wrong. Hindi siya isang bayaning kagitingan na nagbuwis ng buhay para sa bayan. The truth is, he is a LAW BREAKER.
Kamakailan, isang armed encounter ang naganap sa pagitan ng mga INTEL/DEU operavites ng TCPS sa pangunguna ni INSP WILHELMINO A. ALCANTARA sailalim ng superbisyon ni PSUPT BAYANI T. RAZALAN, COP laban Rico BAYANI Y De Jesus, 42 years old, married at residente ng Brgy. San Juan de Bautista, Tarlac City na nasa listahan ng mga ilegal drug personality sa lungsod.
Ang nasabing insidente ay inireport ng mga elemento ng PCP 2.
May 2, mga 1:50 pm, sa parehong petsa, nagkaroon na ng isang buy-bust operation na may PDEA control no. 1004-052017-0032 laban s anasabing suspect. Kaugnay nito, nagpanggap si PO1 Dennis Villanueva na isang poseur buyer at nagkasundo na magkita sila ng nasabing suspek sa Mila Rosa Street, Aquino Subdivision, Lungsod ng Tarlac para sa isang drug deal o transaksiyon sa droga. Nang iabot na ang halagang P500 marked money kapalit ng 0.068 gramong shabu at matapos ang deal, agad na nagbigay ng signal si Villanueva sa mga kasamahang pulis na sina PO2 KARLA ALLAN MAPA at PO2 MARBEN PUNO na nakaposte na sa nasabing lugar.
Ngunit nang maramdaman ng suspek na ang kanyang kausap ay isang alagad ng batas, kumaras itong takbo patungo sa kanyang extension house upang kunin ang kanyang hand gun at paputukan ang mga operatiba.
Sa puntong ito, nagpakilala na ang mga pulis sa suspek at nakipagpalitan na rin sila ng putok hanggang tamaan sa dibdib ang nasabing suspek na siyang naging sanhi ng kanyang dagliang pagkamaty.
Ang SOCO Team mula sa Tarlac Provincial Police Office sa pangunguna ni PSINSP ANGELITOP A. ANGEL ay dumating sa crime scene at narekober ang 5 pirasong small heat sealed transparent plastic sachet na may laman na hinihinalang shabu at .38 caliber without serial number at 3 basyong bala at 3 fired cartridge cases mula sa cylinder at 4 cartridge cases for 9mm.
Dinala ang bangkay ng nasabing napaslang na suspek sa LOTUS Funeral homes for Autopsy examination at ang mga kaukulang ebidensiya na nakuha sa crime scene ay dinala saTarlac Provincial Crime Laboratory office para sa laboratory at ballistic examination.
Habang sinusula tang balitang ito, kasalukuyang ginagawa ang kaukulang imbestigasyon.