INITIALLY, base sa naunang inspeksiyon ng CPDO sa mga napaulat na “backyard piggery” sa Barangay STO NINO, Lungsod ng Tarlak ay naglalaman ng 30 na baboy at may kaukulang mga septic tank o imbakan ng waste o tae o dumi ng mga alagang baboy.
Ayon din sa ulat, may tatlo hanggang limang kulungan o maliliit na building at may isang building na naglalaman ng humigit kumulang na 30 na baboy kada building.
Sa may halos dulo ng barangay, may isa ring “backyard piggery” na walang septic ngunit may natural na lagusan at naglalaman lamang ng sampung (10) baboy na kainakatay linggu-linggo at hindi naman nirereklamo ng mga malapit na kabahayan sa palibot o paikot ng nasabing kulungan ng baboy.
Lubos na nagtataka ang Brgy Council kung paano dumami ang naturang mga “backyard piggery” na walang silang pahintulot o permit mula sa pamunuan ng barangay.
Nauna na rito ay may inihain ng reklamo sa tanggapan ng NIA at mismong sa tanggapan ni MAYOR CRISTY C. ANGELES para ang naturang usapin ay mabigyan na ng kaukulang aksiyon at maresolba na.
Ayon sa pinakahuling ulat, binigyan diin ng CPDO sa pamamagitan ng pinagsamang grupo o composite team (CHO, CPDO, CEO, ENRO at OM) ay maglulunsad pa sila ng dayalogo sa lahat ng mga kinauukulan sa mismong Barangay Sto Nino at gumawa rin ng malawakang pagaaral, inspeksiyon at rekomendasyon kaugnay ng mga nasabing “backyard piggery”.
oOo
SA ISANG BAYAN ng unang distrito, may umabot sa ating kaalaman mula sa isang reliable source, na kahit retirado na halos ang isang resource person (SENIOR CITIZEN) na inimbitahan sa isang committee hearing na tumatalakay sa isang establishment na nirekomendang ipasara ng naturang isang opisyal ng SB ay umani pa rin ito (resource person) ng pagkastigo sa mainit na pagtalakay na may mataas na boses at halos manliit ang naturang resources person sa paraan ng pagtrato sa kanya.
Ayon din sa ating source, bagamat tama ang impormasyon sa naturang paksa, may confidentiality ang naturang data o impormasyon na sumasaklaw sa maselan at sensitibong usapin (HIV infected persons in the LGU). Ayon din sa aking source, may isang nagdeklara sa publiko na isang HIV infected person kamakailan at naglunsad na rin ang naturang LGU ng kampanya laban sa nasabing usapin o problema.
Pati PANIQUI MPS through the PCR at pamumuno ni PSUPT JOEL MENDOZA ay nakiisa na sa naturang kampanya laban sa lumalalang problema.
This goes to say that the said LGU is doing all its best effort to solve the said problem and that everybody is doing his share to be of help and therefore there is no need for demeaning or castigating people or anybody lalo na if they are also doing their best efforts, given their resources and capability, to help.
oOo
THANK YOU sa team ni ENGR MIGUEL “MIKE” MALVAR na DPWH, Parsolingan sa pagbigay ng kagyat na tugon sa naunang napaulat na error o pagkakamali sa elevation ng section 3 ng Tarlac City river dike repair.
Sana din hindi na maulit. Malapit na ang tag-ulan at ang buhay at pag-aari ng ating mga mamamayan ang nakataya o nakasalalay dito. A mistake in this regard is totally intolerable and could spell disaster and may redound to enormous damage to lives and properties if not attended promptly not only to those living near the site but even to the entire city area.
SALAMAT din po sa pamunuan ng FLORDES Construction sa kanilang kagyat na aksiyon upang maisaayos ang naturang pagkakamali. Ang naturang construction firm ay may apat (4) na proyekto sa buong lalalwigan ng Tarlak.
ABOVE ALL, maraming salamat din sa pamunuan ng DPWH District 1 sa pamumuno ni DE LENI SANTOS na tubong Bulacan sa kanyang napapanahong pagtugon at pagasikaso sa nasabing usapin at hopefully ay matapos ang naturang proyekto ayon sa calendar days na itinadhana na kontrata.
This development is a clear proof of the primordial concern of the DE office on the welfare of those people residing near the site recognizant of the fact that it’s the very lives and properties that are at stake.
