Tunay na nakalulungkot ang mga pronouncements ni PDu30!!!

Tunay na nakalulungkot ang mga pinagsasabi ni PDu30 hinggil sa pagkakalas at pagsasa-isang tabi sa ating napakatagal ng relasyon sa mga Amerikano.

Alam naman natin na karamihan sa atin ay mayroong kamag-anak at kaibigan atbp na naka-base sa Amerika at sa tutuo lang hindi natin pupwedeng basta-basta na lang na isantabi ang ating napakalalim na relasyon at ugnayan sa mga Amerikano. Kung baga ay parang kapamilya, kasangga, kaalyado, katropa etchetera, etchetera ang mga Kano! Napakaraming pagkakataon sa ating nakaraan (history) na magpapakita ng ating tindi at lalim na pinagsamahan kasama ang mga Amerikano na hindi natin masasabi hinggil sa mga Chekwa o Intsik.

Katunayan ay sa kasalukuyan ay ang China pa nga ang kitang-kitang pinagnanakawan tayo ng harap-harapan at ang pagnanakaw na ito ay malinaw na nadesisyonan na ng UNCLOS kung saan sinabi na hindi ang China ang may-ari ng mga karagatan na kanilang pilit na inaangkin.

Sa ganitong pabor sa atin na sitwasyon at scenario, ang nakalulungkot ay ang naririnig natin kay PDu30 na sa termino ng kanyang pamumuno ay hindi na niya ibibring-up ang hinggil sa ating pagka-panalo sa UNCLOS. Hindi ba’t itong si PDu30 ang nagsabi na mag jejet-ski pa siya papunta sa mga isla at itatayo niya ang ating bandila? Ngayon ang nakikita natin ay puros kabaligtaran at pati na ang pagsama ng ating mga tropa sa pag patrolya ng mga karagatan na contested waters kasama ang ibang mga foreign patrols ay hindi na rin sasama ang mga pinoy na sundalo.

Ano ba talaga itong ipinapakita ni PDu30 na ito? Masyado na itong nakakabahala. Mukhang na yari tayong lahat ng kanyang campaign slogan na “change is coming” yun pala ay CHANGE SCAMMING ang nagaganap at isinasagawa ni PDu30!

Ano ang palagay ninyo mga dear readers, mag text lang kayo ng inyong opinyon sa 0917-5061005 or email me at tarlacweekender@yahoo.com at nais ko na marinig ang inyong opinyon at ating i-pubish ang mga ito sa pahayagang ito.
Mabuhay ang Tarlaqueno, Mabuhay ang Pinoy!!!

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *