JUETENG DAPAT NG IPATIGIL – Mahina itong si bato-bato sa langit ang tamaan ay dapat na magalit kaya si Mr. Chief PNP Bato kung siya ay aking babatikusin hinggil sa operasyon ng Tengwe este Jueteng, siya kaya ay magagalit, o galit Gob at PD???. Ang klase lang ba ng mga iligal na mga bagay-bagay na nais niyang patigilin ay droga lamang ngunit ang isang iligal na sugal na katulad ng jueteng ay OK lang sa kanya??? Ano kaya ang magiging stand ni Hepeng Bato hinggil sa iligal na operasyon ng Jueteng? Siya kaya ay tatanggap at makikinabang sa jueteng o baka naman mismong si Pres Digong ay tatanggap rin mula sa operasyon ng Jueteng??? Kaya nga nung nakaraan kong kolum ay sinabi ko na dapat na lang gawing ligal ang operasyon ng Jueteng para sa ganoon ay ma-buwisan ng tama ang nasabing laro at para na rin mabigyan ng kinaukulang proteksyon at benepisyo ang libo libong mga trabahante ng palaro ng Jueteng. Sa tutuo naman ay isang magandang source of income ang operasyon ng Jueteng kung saan libo-libong katauhan ang siyang nakikinabang at nagkakaroon ng maayos na kabuhayan. Ang problema nga lang ay iligal ang nasabing palaro kaya marami sa mga operator, financier and protectors ang sila-sila lamang ang nakikinabang ng ganang-gana siste ng pagka gahaman. Bagama’t mayroon isang paniniwala na ang Jueteng ay hindi maaring mag-operate sa isang lungsod o probinsya without the blessing of the PNP RD, PD, Governor and Mayor, kapag mayroon isa sa mga ito ang kumontra ay walang Jueteng sa isang lugar. Kaya the bottomline is kapag laganap ang jueteng sa isang lugar ay dahil sa may blessing mula sa mga diyos-diyosang opisyales na aking nabanggit. Tutuo kaya itong teorya at paniniwala na ito? Nagtatanong lamang PO MGA BOSSING???
####
Kakanselahin daw ang on-line gambling – Bakit kaya??? Ito talagang si Pres Digong oo, mukhang marami kayo masyadong alam Mr. President Sir Digong. Bakit naman ninyo ipakakansela ang on-line bingo este on-line gambling eh mukhang hindi naman nakakasama ang on-line gambling. Bakit selective kayo at hindi ninyo na rin ipatigil ang operasyon ng mga casino??? Sa aking panananaw, kaya ito nasabi ni Pres. Digong ay nais niyang tanggalan ng front ang isang uri ng iligal na pasugal na ang ginagamit na front ay ang kanilang lisensya for on-line gambling. Hi! Hi!Hi! Ikaw talaga Mr. President Sir Digong, OPLAN PAKILALA PO BA ITO o OPLAN PAG-HIGANTI sa mga hindi sumuporta sa inyo noong nakaraang eleksyon? Ayon sa aking DPA o Deep Penerating Angel ang mga may hawak ng mga on-line gaming licenses ay puros miyembro ng kultong dilaw, kaya ayun payback time na po ba for those who did not support you??? Nagtatanong lamang po, mga dear readers. Matanong nga si Meredian, etc sa Cagayan Irene Free Port??? Hi! Hi! Hi! ATTENTION MR. A and MR. L paano na po ang siste mga BOSSING???