18 Drug Suspects Arestado

TARLAC CITY – Sa loob lamang isang linggo sa tatlong magkakaibang lugar sa lungsod ng Tarlac naaresto ang 18 drug suspects. Ito ay direktang superbisyon ni P/Supt Bayani T. Razalan, TCPS Chief at sa pangunguna ni P/SInsp Wilhelmino A. Alcantara, SDEU/Intel Officer

April 22 – Nahuli sina Gilbert N. del Rosario alias Bukol ng Brgy San Vicente at Erwin D. Rivera ng Brgy San Roque at Allan P. Maliwat ng Brgy. San Pablo sa isang buy-bust operation. Officer of the case is PO3 Joey S. Apolonio.

APRIL 18- Naaresto naman sina Patrick V. Tagaro alias Tikyu ng Brgy Salapungan, Wency S. Major ng Brgy San Vicente, Danuca N. Tan ng Brgy Matatalaib (Suba), Vernon V. Gabriel ng Brgy San Vicente Mikko Y. Queremit ng Brgy Paraiso, Marlon S. de Guzman ng Brgy San Rafael, Jonalyn C. Trajano ng Ramos street, San Vicente at Jackilou I. Tayag alias Pawpaw ng Villa Aguila, Brgy Maliwalo sa aktong gumagamit ng shabu sa loob ng room 209 sa Go Go II hotel sa kahabaan ng Binauganan Road, San Sebastian Village.
April 17 – Sa isang buy-bust operation sa Brgy San Sebastian, nahuli sina Michael F. Cunanan alias Mike Bakla ng Brgy Balibago 2nd, Eric F Bulatao alias Taruc ng Brgy. Salapungan. Si PO2 Jaypee Cunanan ang nagkunwaring buyer ng shabu at nang maisagawa ang deal, agad itong nagbigay ng hudyat sa mga tropa upang arestuhin ang mga nasabing suspects.

Ayon din sa ating impormasyong nakalap, ito ay “record-breaking” accomplishment sa loob ng maikling panahon as far as Anti-Drug Operation in the city is concerned./Rem De Leon Galang

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *