1 Guro, 3 iba pa, tiklo sa droga

Paniqui, Tarlac – Kung sino pa ang dapat magbigay ng magandang halimbawa at taga-hubog ng magandang asal sa kabataan ay siya pa ang wawasak sa kanilang kinabukasan.” Ito ang himutok ng isang source sa naganap na buy-bust operation na inilunsad nina PO3 Herald Galatiera, Intel PNCO at ilang miyembrong SDEU sa ilalim ng superbisyon ni PSUPT Joel L. Mendoza, COP ng Paniqui MPS kamakailan na nagresulta sa pagkahuli nina Elsa I. Dispo, di-umano ay isang guro sa Eduardo Cojuangco National Vocational High School at Aeined B. Balmocena na pawang residente ng MH Del Pilar Street, habang si John King D. Macaraeg ay naaktohang nagdedeliber ng shabu kay Dispo sa mismong bahay ng nasabing operasyon. Nagsilbing poseur buyer si PO1 Jayson Capinpin. Kasamasina PO1 Marlyn Merca na siyang kumapa Dispo. Si Mr. Eligio G. Garingo ang media representative at Kgd Alex San Diego at Jaydee Abraham ang barangay officials na witness. Kasong paglabag sa RA 9165, section 5 & 11 ang isinampa laban sa mga naturang mga suspek./Rem de Leon Galang

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *