LUNGSOD NG TARLAC – Tumaas ng 18 porsyento ang tax collection ng pamahalaang lungsod ng Tarlac.
Ayon sa City Treasury Office, nakakolekta sila ng may 161 milyong piso mula Enero hanggang Marso ngayong 2017 kumpara sa may 135 milyong piso sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Naging maganda aniya ang ibinunga ng malawakang kampanya ng mga income generating department ng pamahalaang lungsod tulad ng Assessors Office, Task Force Market, at Task Force Quarry.
Sa isang pahayag, tiniyak ni Mayor Cristy Angeles sa mga taxpayers na bawat pisong pumapasok sa kaban nang yaman ay gagamitin sa mga serbisyo at programa para sa lungsod.
Hinikayat din ng alkalde ang mga negosyante at mamamayan na magbayad ng tama upang mapabilis ang pagunlad ng lugar. /(CLJD/CJVF-PIA 3 kasama si Maria Almira Ramirez-intern)
