(Second of three parts)
By: Bing Farres
Noong nakaraan ay inilarawan natin kung gaano kalala ang problema ng langaw sa Sitio Pag-asa (Tibag) at Kasulukan (Tibagan), at kung gaano katagal nang nagdurusa ang mga tao dito.
April 17 2017: Dala-dala namin ang petition na pirmado ng mga residente (184) noong 2015, pumunta kaming mag-asawa sa Tibag Barangay Office. Kinausap namin si Barangay Secretary Tarcelo Capulong na siyang nag-receive (pumirmang tumanggap) sa petition. Unang reaksiyon niya ay “Saan niyo kinuha ito?! Sinong nagbigay sa inyo nito?! Paano napunta sa inyo ito?!” Mataas at threatening ang boses. Hindi kami natinag, hindi kami nagpa-duro. Sinabi namin na hindi na mahalaga kung saan at kanino namin nakuha ito, basta ito binigay sa amin, at kaya kami nasa harap niya ay para tanungin kung ano na ang nangyari sa petition dahil 2015 pa iyon at ang problema ay nandoon pa, walang nabago. So, marami siyang paikut-ikot na eksplanasyon, kesyo buti nga daw at isang poultry na lang ang natitira dahil nasira na yung isa, blah, blah. So many excuses without answering our question directly. Kaya inulit namin, ang tanong, at sabi niya, inakyat na raw sa City ang problema na iyon. So we clarified, “alam na ng sanitation office ito, nasa kanila na ito,” to which he answered in the affirmative. Wala na raw sa kamay nila yun, at nasa city hall na. Paglabas namin sa opisina ni secretary ay nandun si Kapitana Rosalinda Sanchez. Pinakita namin sa kanya ang petition at in-affirm namin kung nasa city hall na nga ba ang petition. Nagsabi rin siya ng oo.
April 18 – Sumulat kami kay Mayor Cristy Angeles, Vice Mayor Aro Mendoza, City Health Officer Carmelita Go, atbp at idinulog ang 2015 petition at aming iginiit na hanggang sa ngayon ay persistent pa rin ang problema ng langaw.
Naghintay kami ng sagot.
Mahigit isang buwan na nakalipas. Sa dami ng aming sinulatan, wala ni isa ang sumagot. Ni ha, ni ho. Samantala, malapit na namang mag-harvest ang poultry at parating na naman ang mga langaw.
May 22 – gumawa kami ng second letter, at dito mas nilaksan na namin ang tema. Kung hindi pa nila kami pansinin ay di kami mag-atubiling sampahan sila ng kaso sa OMB at CSC pag di sila umayson. Dinala ko mismo ang sulat sa opisina ni Mayor Angeles. Binabasa ng napakatagal ng taong tigatanggap habang ako’y naghihintay. Sabi ko, “Miss, paki-receive na lang at saka mo na lang basahin ulit, kasi sulat naman yan para kay Mayor.” Sabi niya, “naaksiyunan na kasi namin ito, hanapin ko lang ang file at ipakita ko sa ‘yo.” So nagulat ako at sabi ko, “Ha? May aksiyon na kayo? Kayo lang ang nakakaalam nun. Ni wala man lang kayong communication sa amin. Paano namin malalaman kung may ginawa na kayo o wala?” Sabi niya, “Ay, gusto niyo bang sulatan namin kayo? Hindi namin alam.” Susmaryosep!
Sunod, pumunta ako sa Vice Mayor’s office. The receiving clerk said as far as she knows, the issue was referred to a committee and there is a possibility for a committee hearing, but she does not know the details. Medyo mas maganda ang diskarte nila. Ipapaabot daw niya ang aming concern sa Vice Mayor at sasabihin daw niya na gusto namin ng sagot in writing.
Don’t these offices know that a formal query needs a formal answer?
Sunod, pumunta ako sa City Health Office. Again, there is a woman there na medyo mataas umasta. I was going to the secretary of the City Health Officer, then she blocked me and said, “diyan ka, diyan ka, pumunta,” pointing me to another table which I know does not know anything about my concern. Some people nga talaga, masyadong mataas, masyadong marunong. Anyway, I followed her para walang gulo. In the end, pinapunta rin ako sa secretary ni Dr. Carmelita Go (City Health Officer), to which just in time, Ms. Beng Nicdao (one of the City Health Inspectors) arrived. She asked me that we go with her to her office so she can show what action has already been done. She showed me their inspection report and indeed, they saw a lot of flies in the poultry that the community is complaining about. We talked about the 2015 petition, she told me they were never informed about it, and they never received a complaint on flies regarding the poultry except our letter. She also said that the only complaint they received in 2015 regarding the Dela Rosa poultry was about waste water to which she said was resolved. She also said they did not call for a meeting between us and the poultry owner, as they do not want to be misconstrued as being biased, and it should be the barangay office who should set a meeting. She also said they act on complaints whether written or verbal. Sounds good so far (at this point).
So, red flag. The barangay people lied. They did not elevate the matter to the City Health Office as claimed. They kept it to themselves. Why? Are they covering up for the poultry owner?
One thing we learned about this though, is that in Tarlac City, when you write to the officials, do not expect an answer (in writing), and when you go to their offices, be ready na itaboy ka nila (mga tao nila) dahil sino ka ba naman, hindi ka kilalang tao. Tapos na ang eleksiyon, what do they need you for? Sila matataas ang pinag-aralan, eh ako nung nagpunta ako sa kanilang opisina ay naka-tsinelas at t-shirt lang. Ha!
May 23 – We received a letter from the Vice Mayor’s office. Finally, gumagalaw na. The Vice Mayor said pinasa na nila yung unang sulat sa Committee on Health and Sanitation (chaired by Councillor Topey delos Reyes) noong April 25 pa. Yung pangalawang liham daw ay binigay ulit kay Konsehal Topey at kay Konsehal Diosdado Briones ng Committee on Environment and Natural Resources. So, ano yung, inupuan din ni Konsehal Topey?
Sa araw ding ito, tinawagan ni Kapitana Sanchez ang husband ko at sabi, “ano gusto mo, tawagin ko na si Agnes dela Rosa ngayon para mag-usap tayo?” What’s this, ura-urada? Sabi ng mister ko, i-schedule naman nila, at gawa naman sila ng pormal na imbistasyon para lahat on record. How unprofessional. Anong akala niya sa mga tao, mga walang ginagawa at puwede tawagin ng ura-urada?
May 29 – Sumulat ulit si Vice Mayor Mendoza at sinabi niya magkakaroon ng joint committee meeting on June 2.
June 2 – Kami at ng aming mga ka-sitio ay dumalo sa meeting. Karamihan sa mga dumalo naming kapit-bahay ay doon lang namin nakilala. Andun din ang mga department heads, mga konsehal, at ibang media. Nahuli ng mahigit isang oras si Agnes Dela Rosa, ang sinasabing may-ari ng poultry.
Sa meeting tanging ang City Health Office lang ang nakapag-handa ng kanilang report dahil daw ang ibang departamento ay kakatanggap lang nila ang memo na dapat mag-handa sila ng report tungkol sa poultry na aming nirereklamo. Ano na naman kaya ang nangyari? Nasa iisang lugar lang ang mga opisinang ito, ngunit bakit ang bagal ng communication? How inefficient naman ang ating executive department! Ano ba ang nangyayari sa mga departamento sa ilalim ng Mayor’s office?!
Sa report ng City Health Office, regular daw nilang ini-inspect ang poultry, pinakahuli noong April 26 dala ng aming reklamo. Nakakita daw sila ng maraming langaw sa blower at sa paligid ng poultry houses. Ngunit hindi daw nila napareceive ang kanilang sanitary order dahil ayaw na raw silang papasukin sa poultry nang sila ay bumalik doon. Iminungkahi ni Councilor Briones na ipadala ito sa pamamagitan ng registered mail. Oo nga naman. May address naman ang poultry at ng may-ari nito, at ang registered mail ay legal na pamamaraan ng pagpadala ng mga official letters, bakit di naisip ng City Health Office ito? Bakit kailangan pa nilang “personal” na ibigay ito? At sa loob ng ilang taon, ngayon pa lang sila magbibigay ng Sanitary order? At ang nakakatawa ay kailangan pa daw nilang magbigay ng tatlong sanitary orders para nila ito i-recommend for closure, nakakaisa pa lang sila at hindi pa nila ito maibigay!
Nang dumating si Agnes dela Rosa, binigay niya ang isang sulat na sabi niya ay sagot sa aming reklamo. Ito ay naka-address kay Mayor Cristy Angeles. Binasa ng secretariat ang liham ni Dela Rosa. May letterhead ito na Dela Rosa Vega Farm. Hindi pala Dela Rosa Poultry Farm ang legal business name nito. Napakahaba ng sulat, pero in short, sinasabi niya na may mga iba pang mga farms at backyard growers na maaring panggalingan ng langaw. Binanggit nito ang Unified Piggery, Sampaguita Poultry, mga backyard piggery, at mga nag-aalaga ng manok pangsabong.
Pagkatapos basahin ang liham ni Dela Rosa, iginiit niya na walang langaw na nanggagaling sa poultry niya. Sinabihan siya ng inspector ng City Health Office na sana papasukin sila para i-inspect ang loob ng poultry house kahit sila na ang mag-provide ng PPE (protective personal equipment), pero hindi pumayag si dela Rosa at sabi “kung mapeste yung mga manok at malugi ako ng milyon milyon matutulungan niyo ba ako?”
Nagsalita rin ang isang apektadong residente, si Mr. Renato Aguilar at sinabi ang hinaing ng marami. Ang sagot ni Dela Rosa “May nakita ba kayo na mga langaw na nakatatak na Dela Rosa Poultry Farm?”
Dahil sa pagdawit ni Agnes Dela Rosa sa ibang farms, amin ding sinilip ang mga ito at baka nga may punto si Dela Rosa. Ang problema ay malalayo ang mga ito mula sa community na nagrereklamo. Ang Unifive I and II piggery (hindi Unified na katulad ng binanggit ni Dela Rosa) ay may ECC at regular na mino-monitor ng EMB-DENR. Mayroon silang mga compliance certificates (pollution control, hazardous waste management control, waste water management, etc.) Sa katunayan, ayon sa kanila ay isa sila sa mga apektado ng langaw dahil nakakarating sa Unifive II ang mga langaw tuwing nagha-harvest ang Dela Rosa Vega poultry.
Nag-investigate din ang Barangay council ng Tibag, at sa kanilang opinyon ay ang maliliit na backyard piggery at manukan na nag-aalaga ng panabong na manok ay hindi magiging sanhi ng sangkatutak na langaw.
Sa susunod, isa-isahin natin ang mga violations ng Dela Rosa Vega Farm at ang kainutilan ng Mayor’s Office.

-to be continued-
