From among the idiosyncrasies these days, the apologists of the administration are a must to be commented on if only to prove that one is still sane amidst the daily prevalence of idiocy in the governance.
Meaning, kung hindi ka magre-react sa mga kasinungalingan at mga baluktot na mga pahayag ng ilang mga mataas na opisyales ngayon, malamang sira ulo ka na rin katulad nila.
Katulad ni Budget Secretary Benjamin Diokno.
Sa isang press conference ito ang sinabi niya:
“The peso depreciation favors more than half of the Filipinos because of OFW remittances, I’m not worried.” – DBM Sec. Benjamin Diokno
First point, more than half of the Filipinos are happy on the increased cost of the dollar? At sabi niya, more than 55 million Pinoys are dependent to OFWs?
Saang database nanggaling ito? This a complete lie!
Ayon sa National Statistics Office, 2.44 Million lang ang mga OFWs na may mga 10 million dependents.
At sa bilang ng mga OFW marami sa kanila, libo-libo, ang hindi kumikita dahil nakakulong, nakatengga sa mga embassies, o biktima ng karahasan ng ilang dayuhang amo.
Ang totoo, ang epekto ng pagtaas ng dollar ay kasalukuyang nagpapahirap sa lahat ng mga Pilipino. Lahat ay apektado. Bakit?
Dahil tayo ay net importing country, ibig sabihin mas marami ang inaangkat (o binibiling) kalakal sa ibang bansa kesa sa ating mga ibinebentang produkto (exports).
But the main point is: Isang kaululan ang ipagmalaki ang pagbagsak ng piso vs dollar.
Noong June 2016, nasa P40 lang ang dollar, ngayon pumapalo na sa P53 per dollar sa black market.
At noong 2016, ang total exports natin ay $5.499 Billion lamang at ang total imports natin ay $8.24 Billion, ibig sabihin negative $2.75 Billion ang balance of trade natin. Negative BOP.
Sa piso ang halaga ng ating imports kung P40/dollar ay P329.6 Billion, ngunit ang halaga nito kung P53/dollar ay P436.72 Billion, o pagtaas na P107.12 Billion.
Ang halagang P107.12 Billion ay halagang idadagdag sa mga produktong ating inangkat (halimbawa langis, bigas, fertilizer at pesticides, appliances, etc) kaya tumataas ang ating mga bilihin, kuryente, etc.
Ang halagang P107.12 Billion ay pera rin na kailangan nating bayaran ng dollars kaya nauubusan na tayo ng dollar reserve.
Sa madaling salita, dahil sa pagtaas ng halaga ng dollar (o pagbagsak ng halaga ng piso) nagtapon ang gobyerno ng halagang P107.12 Billion.
Napakarami na sanang puwedeng mai-pagawang mga proyekto sa halagang ito ngunit dahil sa mga kabaliwang panglabas at pang-loob na mga patakaran, na-wawaldas ang mahigit isandaang bilyon piso at tayo ang nahihirapan sa pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin at iba pang pangnga-ilangan.
Sa usapin ng external debt o utang ng Pilipinas sa ibang bansa.
Ayon sa NSO, ang total foreign debt natin ay $76.62 Billion.
Ang halaga nito sa P40 per dollar ay P3.065 Trillion. Pero ang dollar ngayon ay P53 na, kaya ang halaga nito ngayon ay P4.061 Trillion!
Ang ibig sabihin, ang karagdagang ibababayad natin sa foreign debt dahil sa pagtaas ng dollar ay P995.86 Billion! O halos One Trillion pesos o halos one-third ng national budget for 2017.
Ang perang halos isang trillion ay atin ding itatapon dahil sa pagtaas ng dollar.
Saan kukunin ito ng pamhalaan? Siyempre sa atin. Kaya itataas ang mga taxes.
Walang katulad sa kabobohan ang budget secretary dahil ang lahat ng mga ekonomista sa lahat ng bansa sa buong mundo ay pinipigilan ang pagbagsak ng halaga ng kanilang pera at hindi kailan man pinangangalandakan ang pagtaas ng halaga ng dollar.
Ngayon na mataas na ang ating trade deficit, ang solusyon nila ay magpataw ng mas mataas na tax na nakapa-loob sa Tax Reform Package (TRP) bill. (Ang ilang panukala sa TRP ay magpataw ng karagdagang P10-P12 tax sa lahat ng produkto – halimbawa ang Nestea sachet na ngayon ay P7 per pack ay magiging P17 na, ang gasoline at diesel ay papatungan ng P12/liter na tax, wala ng exemptions ang mga cooperatives, etc).
Ang ibg sabihin nito, ang masamang resulta sa kapabayaan ng pamahalaan sa usaping pang-ekonomiya, ang solusyon nila ay lalo tayong pahirapan sa karagdagang mga taxes. Tama po ba ito?
Ang pagiging apologist o tagapagtanggol ng mga patakaran ng pamahalaan ay isang marangal na trabaho. Ngunit kung ang ginagamit na pamamaraan ay panlilinlang o mga datos na hindi totoo, ang tawag sa kanila ay MANLOLOKO, o kaya ay DEMONYO.
o o o 0 o o o
Sa bayan ng Concepcion, abusado ang mga tricycle driver, parang mga taga Tarlac City.
Kahapon sa aking pagpunta sa Concepcion wala akong dalang sariling sasakyan.
Kaya pagkagaling sa police station, sumakay kami ng kasama ko ng tricyle papunta sa munisipyo.
Aba ang singil P30 sa distansyang wala pang 200 meters!
Galing sa munisipyo papuntang sakayan ng jip, P40 sa distansyang wala pang 400 meters!
Wow na wow! Ganito na ba kamahal ang pasahe sa Concepcion?
Calling the attention of Mayor Andy Lacson and PSupt Luis Ventura, paki-patupad naman po ang tamang singil sa mga tricycle. Please, please.
o o o 0 o o o
Indecency of high ranking government officials in Tarlac City….
(Sa susunod ang “TAX REFORM PACKAGE BILL na itinutulak ng Department of Finance)
