Bilang Director for anti graft and corrupt practices ng Linis Gobyerno (www.linisgobyerno.org), isang anti graft and corrupt practices NGO, madalas ako matanong kung kelan ok tumanggap ng isang token of appreciation o regalo ang isang government official at kelan naman masasabing ito ay isang act of graft? Sa mga ganitong katanungan ang parati kong sagot ay basahin po ninyo ang inilalaman ng RA 3019 o ang Anti Graft and Corrupt Practices Act. Dito nakapalibot ang sagot sa katanungan na ito. Nais ko lang i-share ng bahagya ang tungkol dito. Sa RA 3019, Section 14 ay nakasaad ang sumusunod:
“Section 14. Exception. Unsolicited gifts or presents of small or insignificant value offered or given as a mere ordinary token of gratitude or friendship according to local customs or usage, shall be excepted from the provisions of this Act.
Nothing in this Act shall be interpreted to prejudice or prohibit the practice of any profession, lawful trade or occupation by any private person or by any public officer who under the law may legitimately practice his profession, trade or occupation, during his incumbency, except where the practice of such profession, trade or occupation involves conspiracy with any other person or public official to commit any of the violations penalized in this Act. ”
Sa aking palagay ay huwag nating kunin ng literal ang maraming bagay sa batas sapagkat tayo ay gumagalaw sa principle of regularity, and that all persons are considered innocent until proven otherwise.
Katulad ko halimbawa, kapag ako ay natulungan ng isang government official beyond the call of his duty, samadalit salita ay natulungan niya ako mahigit pa sa kanyang dapat na ibigay na serbisyo publiko, bilang isang Pilipino alam naman nating lahat na isa tayong lahi na tumatanaw ng sinasabing utang na loob, kaya para sa akin kahit ano pa ang sabihin ng RA 3019 ay sa dahilang mayroon akong utang na loob sa isang opisyal ng gobyerno ay posible na dala ng aking utang na loob ay kusa akong magbibigay ng isang regalo o token of appreciation, etc. Sa aking pananaw ay hindi ito isang act of graft practice or katiwalian sapagkat una sa lahat ay hindi naman ako hiningan, pangalawa ay hindi naman ako pinahirapan at sa halip ay tinulungan pa ako para mapadali at maiayos ang kanyang serbisyo na puros naman naayon sa batas (within the bounds of law and all above board). Kaya halimbawa ay naisipan at ninais ko na magbigay ng isang regalo sa isang opisyal ng gobyerno ay hindi po ako na-ngongorap, base sa mga sirkumstansya na aking sinalaysay.
Parati ko ring sinasabi na gamitin natin ang ating common sense (sentido comon) sapagkat, hindi talaga natin maaalis sa ugaling Pilipino ang tumanaw ng utang na loob at walang makapagpipigil sa manunulat na ito na huwag tumanaw ng utang na loob.
Kung sa kabilang banda naman ay ako ay iyong pinahirapan, aba eh ibang usapan yan. Ang istilo at payo ko naman jan ay simple lang. Sabi nga nila, “People who live in glass houses should not throw stones,” o sa madalit salita ay butasan na lang tayo at titiyakin ko sa ‘yo na magmumulta ka ng malaki maliban sa perhuwisyong iyong ma-eenjoy! NALPAS!
