Pasensiya na kayo mga mahal na nagbabasa ng aking kolum, bagama’t hindi ako isang abogago este abogado at ang aking kurso na natapos ay Communication Arts, marahil ay katulad rin ninyo na isang mamamayan na nagbabasa ng balita, nanunuuod ng TV at nakikinig ng radyo ay parati nating naririnig ang mga salitang ito “due process of law. ” Ano ba ang ibig sabihin ng nito?
Ayon kay Wikipedia na isang Internet-based encyclopedia na siyang source of definitions, ang ibig sabihin ng due process kapag inihalintulad sa batas ay ito: “Due process is the legal requirement that the state must respect all legal rights that are owed to a person. Due process balances the power of law of the land and protects the individual person from it. When a government harms a person without following the exact course of the law, this constitutes a due process violation, which offends the rule of law.
Due process has also been frequently interpreted as limiting laws and legal proceedings (see substantive due process) so that judges, instead of legislators, may define and guarantee fundamental fairness, justice, and liberty. That interpretation has proven controversial. Analogous to the concepts of natural justice, and procedural justice used in various other jurisdictions, the interpretation of due process is sometimes expressed as a command that the government must not be unfair to the people or abuse them physically.”
Ngayon na nabasa at naunawaan na natin ang depinisyon ng due process, ang simpleng dalawang katanungan ko ay: No. 1- inobserbahan ba ni Pangulong Du30 ang due process? No.2 – gusto ba natin na ma obserbahan ng lahat at para sa lahat ng mamamayan ang due process? Kung ang kasagutan ninyo ay NO sa unang katanungan ay nasa wastong pag-iisip pa po kayo at kung ang kasagutan ninyo ay YES sa pangalawang katanungan ko ay once again nasa maayos na pag iisip pa po kayo.
Tunay na nakalulungkot ang ipinakita ni Pangulong Du30 na siya na mismong pinakamataas na opisyal ng gobyerno at pinuno ng buong sambayanang Pilipino ang siyang nangunguna sa hindi pag-obserserba sa due process of law. Dahil sa ipinakitang extreme dictatorial abuse of power ni Pangulong Du30, nakakatakot ang posibleng maging mga consequences kung saan hindi malayong mangyari na marami rin sa law enforcement ang susunod sa kanyang yapak at sila rin mismo ang hindi susunod sa due process, tutal naman maari nilang ikatwiran na kung mismo ang Commander-in-chief ay hindi sumusunod sa due process, bakit ko oobserbahan ito? Ang masmasakit nito ay kapag ang natamaan ay mga inosenteng nilalang.
PATAY TAYO NGAYON, IBINASURA NA ANG DUE PROCESS!!!
