Leni Robredo dapat tumawag ng re-count- Madam VP Leni Robredo, malaki po masyado ang duda ng sambayanang Pilipino sa inyong pagka-panalo kaya marami ang nag-iisip at nananawagan na marahil ang tama na dapat ninyong gawin ay humingi ng isang recount nang sa ganoon ay magka-alaman na kung tunay na kayo nga talaga ang nanalo. Mahirap po manungkulan ng may isang napakalaking duda sa inyong pagka-panalo. Hindi po ba mga dear readers? Risonable naman ang ganitong uri ng request na kung tunay na marangal at 100% sure itong si VP Robredo ay siya na mismo ang hihingi ng recount para once and for all ay matanggal ang anumang duda sa inyong pagka panalo. NOW NA RECOUNT NA!!!
####
Media Killings –OK kay Dudirty- Naku po Diyos ko po, mahal na Panginoon ano ba itong klase ng pangulo itong ating nahalal? Hindi pa nakakaupo ay puros kagaguhan na ang pinag-sasabi. Alam naman ng lahat sa buong mundo na may mga kawani ng medyas este media na mga sira ulo rin at may mga extortionists atb, bagama’t sapat ba na dahilan ang sila ay mapaslang? Sapat ba na dahilan na sila ay katayin at barilin? In fact, kung iisipin natin mga dear readers ay kahit na gaano ka walang hiya ang isang miyembro ng press o medyas ay kung wala siyang basehan na maka-extort sa isang opisyal ay hindi rin niya magagawa ito. Kaya ang hamon ko ay kayong mga UNGAS na opisyales ay gumawa kayo ng parehas at tama na trabaho nang sa ganoon ay hindi kayo mabutasan ng mga medyas este media. At ang hamon ko sayo Panguong Dudirty ay bago mo buksan ang iyong bunganga ay MAG MOUTH WASH KA MUNA at puros BAHO na lang ang lumalabas sa iyong bibig! Parang nagsisisi na ako na ibinoto kita Mayor Digong Dudirty. Tsk! Tsk! Tsk!
At ano ba namang sobrang pagka-baluktot ng iyong katwiran nung sasabihin mo na OK lang na pitohan nating mga lalake ang isang babae lalo pa at nasa pampublikong lugar at official and serious ang pinag-uusapan? OH MY GOD, MR. PRESIDENT, WALA KA BA TALAGANG MODO? May pinag-aralan ka naman, eh bakit ganyan ang pagaasta mo, ang mga baluktot na pang ja-justify mo pa sa iyong mga katarantaduhang pinagsasabi? O baka naman nag-uulyanin ka na???
Mahal na Panginoon maawa po kayo sa sambayanang Pilipino!!!
