Layas na mga KANO!!!
Ayon sa report ng ABS-CBN hinggil sa presscon na isinagawa ni PDigong nung siya ay bumalik mula Vietnam, ang sumusunod ang ilan sa kanyang mga sinabi:
“Hitler massacred 3 million Jews. There are 3 million drug addicts. I’d be happy to slaughter them,” Duterte said in a press conference following his arrival from an official visit to Vietnam.
Duterte revealed he does not mind killing drug addicts if the act will rid the country of its crime-related problems.
“At least, if Germany had Hitler, the Philippines would have you know,” he said, pausing and pointing to himself.
“You know my victims. I would like (them) to be all criminals to finish the problem of my country and save the next generation from perdition,” said Duterte.”
####
Napakalinaw! OK lang daw na si PDu30 ang maturingan na Hitler ng Pilipinas. O, mahal na Pangulo, katulad ng sinabi ko nung nakaraan kong kolum, kung ang target ninyo ay pumatay ng tatlong milyon na katao, aba eh, dahil sa termino ninyo na 6 years (kung hindi na ninyo i-extend, pero sana i-extend niyo pa ng another 6 years at least), ang 6 years is 2,190 days; samakatwid ay 3 million divided by 2,190 days = 1,369 na katao araw araw ang kailangan na maitutumba (24/7). Eh sa kasalukuyang record sa ngayon na nasa mga 20 to 30 per day lang ang kinakatay, aba eh mahina, malayo pa kayo sa inyong target mahal na Pangulo?! Calling Chief PNP Bato, PDEA, NBI etc…. ano inaantay niyo?!
####
Katulad rin ng mga sinulat ng aking fellow columnist na si Nestor “Paken” Castro na OK lang na umalis na ang mga Kano tutal para ma-iba naman! Eh di sa China o sa Russia tayo mamasyal at ng hindi tayo parang mga ta-tanga-tanga na nakapila sa US Embassy para ma-deny lamang ng tourist visa! Siguro kapag oks na oks na tayo sa China o sa Russia ay bibigyan tayong lahat ng Free Visa. Hi! Hi! Hi! Hi! Sa pagkain pa lamang ay wala ng sinabi ang mga pagkain ng mga Kano at puros hamborger, ham at stik ang pinagkakain nila samantalang sa mga Intsik mayroon pancit canton, lumpiang shanghai, siopao, shanghai flied lice, wanton, kikiam, siomai, lugaw, mami, hopia, siyoktong at marami pang iba. Hi! Hi! Hi! Mura pa lahat ang mga bagay-bagay na gawang China, o ano say niyo. Kaya ako sangayon 100 % sa aking fellow columnist Nestor Paken na Go-Go-Go, let’s all GO to China and Russia. Goodbye US of A, o by the way “FUCK U- EU”!!!
Oh, dear Lord, mahabag po kayo sa bansa namin!
