“Aksyon Anghel”, 24-oras public assistance hotline ilulunsad na

Inilabas ngayong araw ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa pangunguna ni G. Hensel Quilling ang mga hotline na maaaring pagsumbungan ng publiko sa anumang mapapansing insidente na maaaring magdulot ng banta sa seguridad at kaligtasan ng mga nasasakupan dito sa lungsod.

Napapanahon ngayong Semana Santa ang pagkasa sa isang makabuluhang programa ni Mayor Cristy Angeles upang mabilisang makapagbigay aksyon sa mga hinaing, maging ito man ay aksidente, krimen, sunog, baha, problemang trapiko, iligal na pagtatapon ng basura at iba pang mga hindi inaasahang pangyayari.

Ang “Aksyon Anghel” na magsisimula ngayong Semana Santa ay magiging pirming programa na ng Pamahalaang Lungsod.

Mahalagang layunin din ng “Aksyon Anghel” ang pagkakaroon ng sentralisadong sistema na kung saan maitatawag din ang mga sumbong ukol sa pagpapalakad ng mga departamento ng mga lokal na ahensiya.

Ang “Aksyon Anghel” ay binubuo ng iba’t-ibang tanggapan sa ating lungsod na siyang magiging kaantabay ng CDRRMO katulad ng Tarlac City Police Station, Bureau of Fire Protection at City Information Office.

Nais ni Mayor Cristy Angeles na maging instrumento ang nasabing programa upang lalong mabigyang boses ang bawat Tarlaqueño sapagkat mahalaga na ang kanilang mga saloobin ay matugunan ng tapat na serbisyo.

Sa “Aksyon Anghel” mas panatag, ligtas at mapagbantay ang bawat Tarlaqueño.

Narito ang mga numerong maaring tawagan:
Landline: (045) 4708647
Globe: (0995) 2312411
Smart: (0921) 9300047

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *