DEPED SDS Cunanan, May Transfer Letter Na?

May nag-text ng, “finally SDS (Schools Division Superintendent (Estrelita) Cunanan received a ‘Transfer Letter’, she has nowhere to go but out of Tarlac”.

Para ma-confirm ang balita, tumawag kami sa mga kina-uukulan. Ngunit walang gustong magsabi , kung totoo o hindi ang Transfer Letter.

Pero may mayor na ayaw magpabanggit ng pangalan na nagsabi na totoong mayroon ngang may transfer letter si Cunanan.

Totoo man ito o hindi, napakahirap pag-isipan ang mga kaakibat na mga pangyayari. Malamang, lalala pa ang situwasyon at ang mga mag-aaral at mga guro ang patuloy na mahihirapan.

At sabi pa ng mayor na ayaw magpabanggit ng pangalan, magkakaroon pa raw ng “dialogue sa pagitan ng mayor at ng mga supervisors at principals para daw “ma-explain ng huli ang kanyang side sa mga akusasyon laban sa kanya”.

Nakapagtataka ang ganito.

Kung lahat ng supervisors at principals ay hindi niya makasundo at may reklamo laban sa kanya, para ano pa ang dialogue?

Sabi nga ng isang principal, “para kaming mga bata kung ituring niya kami. Sinisigawan, ini-insulto, minamalaiit, at tinatratong parang mga musmos na WALANG KARAPATANG SUMAGOT O IPAGTANGGOL ANG SARILI AT KAILANGANG IPA-ALAM SA KANYA ANG AMING BAWAT GALAW ”.

Kung sakaling matuloy ang dialogue at masabi man ni Cunanan ang kanyang rason sa mga akusasyon sa kanya, mabubuo pa kaya ang basag-basag na salamin ng samahan sa DepEd?
Kailan man hindi na nabubuo pa ang nabasag na plato.

Humihingi ba ng milagro si Cunanan? Malamang milagro na nga lamang ang maglalapit muli sa kanya sa mga principal at supervisors.

Ayon sa kanila, wala ng puwang na makasundo pa nila si Cunanan at wala na ring paki-usap ang maaring magpabago sa pagkamuhi nila dito.

In other words, there exists an irreconcilable difference between Cunanan and his wards of supervisors and principals.

Irreconcilable is irreconcilable. It is definite.

Ano pa nga ba ang rason ni Cunanan kung bakit ayaw pa niyang magpalipat? Ano bang mayroon sa SDS office na hindi niya maiwanan? Pera, power at katanyagan kaya?

Sabagay, ang taong hindi kuwalipikado sa isang position ngunit naluklok siya roon ay talagang magiging kapit-tuko sa kanyang trono.

Bakit nangyayari ang ganito? Nasa totoong personalidad ng tao ang kanyang reaksyon sa mga situwasyon.

Ang respeto sa sarili, delikadesa at kahihiyaan ay nawawala sa kagustuhang manatili sa puwestong kinaluluklukan, sigawan man siya ng: LAYAS!

Pakapalan ng mukha uso na ngayon sa DepEd Tarlac.

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *