Diyalogo ng isang gahaman na negostante at ng kanyang hipag!

Tawagin natin na Ate si gahaman at ganid na negosyante at Wali (o Ading sa Ilocano) ang kanyang hipag. Ito kasing si Ate ay may pag aari na isang poultry farm na hindi naman naka-pasok sa contract growing. Kung baga ay commercial grower itong si Ate at sanay talaga na manamantala ng kanyang mga trabahante at iba pa. Isang araw ganito raw ang naging usapan ng mag-hipag. Itong dayalogo na ito ay narinig daw ng isang kapitbahay:

Wali– Ate sabi ng iba nating trabahante bakit daw ang liit ng inyong pasahod at mahabang oras pa ang kanilang trabaho na hindi man lang umabot sa minimum wage?

Ate – Aba eh kung ayaw nila magtrabaho sa atin ay lumayas sila, umalis sila at madali ko lang sila palitan, kahit magsumbong pa sila sa labor, walang labor-labor sa akin.

Wali– Ay ganoon ba Ate? Ate, sabi ng ibang mga kapitbahay na nanggagaling daw ang maraming langaw sa ating poultry, bakit kaya Ate?

Ate– Anong langaw pinagsasabi mo Wali, bakit mayroon bang tatak ang mga langaw na nakalagay na mula sa SGGPF o suwapang, gahaman at ganid poultry farms?

Wali– Ay ganoon ba Ate?

Ate– Oo siyempre. Dapat pa nga ay magpasalamat sila sa akin at ang langaw ay nagbibigay ng libreng fertilizer. Hindi ba at binibili ng mga tangang taga bundok ang ating tae ng manok at kanilang ginagawang fertilizer? Eh di ganuon din ang mga langaw, lumilipad at may dalang libreng fertilizer! At bakit ano ba sila sinisiwerti at gagastos pa ako ng mga seventy centavos (P0.70) sa bawat manok para ma-kontrol ang langaw?

Wali– Eh Ate, hindi ba at marumi ang langaw?

Ate– Anong marumi ang langaw? Sino ang may sabi sa iyo at iharap mo siya sa akin. Ikaw Wali, mali-mali ang iyong mga akala. Alam mo ba na kung mayroon tayong 50,000 na manok ay mababawasan ng P35,000 ang aking ganansya (kada cycle o load) kung magsasagawa ako ng mga kinaukulan pag-kontrol sa langaw. Alam mo Wali talagang boba ka ano, kaya wala kang poultry na katulad ko at small time ka pa rin hanggang ngayon. Imbesna igastos ko ang P35,000 kada cycle o load ng manok ay ibigay ko na lang ang P5,000 sa lintik na Punong “Kupitan” Barangay na yaan at P5,000 sa letche na mga pipitsugin na City Health officials tuwing papasyalan nila ako. Kaya nga naka regular na sa akin si kupitana sa payroll ko ng P5,000 kada buwan. Eh di mas mura na malaki. Nakatipid na ako, malakas pa ako kay kupitana!

Wali– Eh Ate, paano naman ang ating maraming mga kapitbahay na naaapektuhan sa komunidad?

Ate– Tanga ka talaga at boba ka talaga Wali. Bakit, apektado ka ba? Hindi ka naman apektado at duon ka naman sa katabing bahay ko nakatira. Hindi ka naman nakatira dito sa poultry kaya manahimik ka na lang. Alam mo naman na puros mga tanga ang mga kapitbahay natin at mga ka Sitio natin ay puro bobo at wala naman silang magagawa. Baka nakakalimutan mo ba na AMIGA ko si Mayor, o ano ngayon??? Tigil-tigilan mo na ako Wali at kapag na bwisit ako sayo (Punyeta Ka) ay sapatusin kita at makalimutan ko na hipag kita o baka gusto mo na pa bugbog kita kay B _ _ _ _ _ _ anong akala mo DI (Dancing Idiot) lang siya?

Wali– Sorry Ate. Hindi na po maulit. S _ _ _ _ Bless you Ate!!!

Mabuti na lang at nagising ako mula sa aking pagkaidlip! Isang katawa-tawang panaginip lamang ang aking isinalaysay. Mabuti na lang at hindi ko personal na narinig ang ganitong salaysay kung hindi ay hindi ko alam kung baka kung ano pa ang magawa ko dun kay Wali na isang tunay na Tanga at Boba at walang malasakit kay Ate. Hi ! Hi ! Hi ! Hi ! Hi ! Hi !

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *