GMA and Aguas acquitted

Ibinasura kamakailan ng Korte Suprema ang apila ng mga abogado ng gobyerno na naglalayong baligtarin ang naunang desisyon nito na ipawalang-sala si dating Pangulo at ngayon ay Cong. Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong Plunder kaugnay ng iligal o maling paggamit di-umano sa pondo P366 milyon mula sa Intelligience funds ng PCSO.

Sa botong 11-4, kinumpirma ng SC ang kanyang July 19, 2006 desisyon na nagbibigay kay Ginang Arroyo ng Demurrer of Evidence sa kanyang kinakaharap ng kaso noon sa Sandiganbayan.

Ayon kay Theodore Te, tagapagsalita ng SC, “pinaboran din ng mga hukom ang pagpapawalang-sala kay dating opisyal ng PCSO na si BENNY AGUAS sa parehong usapin.
Binanggit din ng SC na ang pagbigay nito ng demurrer of evidence ang nagbigay daan sa pagpapawalang-sala kay GMA AT AGUAS. Dagdag pa nito, anumang hakbang upang irikonsidera ang naunang desisyon ay maituturing na “double jeopardy”.

Nauna din nito, nabanggit na rin SC na dahil sa kakulangan ng ebidensiya kung kaya nadismiss ang kaso ni GMA at pinahintulutan itong lumabas mula sa kanyang pagka-hospital arrest.

Nagpasalamat din ang kampo ni CGMA sa pamamagitan ni Atty. Lawrence Arroyo na nagsabing, “we thank the SC for putting an end to this case. PGMA was actually acquitted way back July 2006 when the SC granted her demurrer of evidence.”/Rem Galang

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *