Kasunduan ng Pamahalaaang Lungsod ng Tarlac at Inje County, Gangwon Province, South Korea, pinagtibay

TARLAC CITY – Patuloy ang paglawak ng ugnayan ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac at mga mapagkaibigang bansa sa pagpapatibay ng dalawang Kasunduan o Memoranda of Understanding sa pagitan ng Inje County, Gangwon Province South Korea at Tarlac City.

Sa ceremonial signing na ginanap sa Sangguniang Panglunsod Session Hall nitong Nobyembre 3, 2017 pinagtibay ni Inje County Mayor Lee Soon-Sun at Vice Mayor Genaro M. Mendoza ang Memorandum of Understanding for Friendship and Exchange at Memorandum of Understanding on Exchange in Agricultural Sector.

Ang mga MOU ay bunga ng inisyatiba ni Mayor Cristy Angeles na palawakin ang ugnayan ng Pamahalaang Lungsod sa ibang mga bansa upang magbukas ng pinto ng mga oportunidad para sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya.

Ang Memorandum of Understanding for Friendship and Exchange ay naglalayong magkaroon ng tuloy-tuloy na pagtutulungan ang dalawang panig sa larangan ng agrikultura, ekonomya, kultura, edukasyon at turismo.

Ang Memorandum of Understanding on Exchange in Agricultural Sector ay naglalayong magkaroon ng palitan ng kaalaman, teknolihiya at pagsasanay ang mga magsasaka ng dalawang lokal na pamahalaan

Ang formal signing ng mga MOU ay magaganap sa Inje County sa susunod na mga araw na lalagdaan ni Mayor Cristy Angeles at dadaluhan ng mga Kagawad ng Sangguniang Panlungsod.

Matatandaan na nagkaroon ng mabungang resulta para sa mamamayang Tarlaqueño ang mga kasunduang nilagdaan ni Mayor Angeles at mga Punong Lungsod ng Zaozhuang City, Republic of China at Yanggu County, South Korea sa unang taon ng panunungkulan ng butihing Ina ng lungsod./@tarlac.cio

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *