Langaw sa Lungsod ng Tarlac!

By: Bing Farres
Last of three parts

Noong mga nakaraan ay tinalakay natin ang pamumuhay ng langaw, paano ito dumarami, epekto ng mga ito sa ating pamumuhay, kalusugan, at kaisipan. Inisa-isa rin natin ang sakit na maaring maidulot ng mga ito.

Ngayong nasa huling bahagi na tayo ng ating pananalakay sa langaw, ating isa-isahin ang mga puwedeng gawin para ito ma-control, kung hindi man mapuksa ito. Hindi bahagi ng ating pamumuhay ang langaw. Hindi normal na may langaw sa loob at labas ng ating bahay. Dapat ang mga ito ay pandirihan natin at pagtulung-tulongan nating puksahin.

Ayon sa WHO (World Health Organization), may dalawang pamamaraan ng pag-control sa langaw. Una ay paglinis sa ating kapaligiran, at pangalawa ay pag-patay sa mga ito.

Paglinis sa kapaligiran (improvement of environmental sanitation and hygiene)
Ang kalinisan sa ating kapaligiran ay sinasabi ng WHO na mas mura, may mas matagalang epekto, at ito may kalakip na iba pang benepisyo. Pag malinis ang ating kapaligiran, walang pamumugaran at pangingitlugan ang langaw at hindi sila dadami.

Kasama sa approach na ito ang pag-alis ng mga breeding sites; pag-alis ng mga attractants ng mga langaw na galing sa ibang lugar; pag-iwas na madapuan ng mga langaw ang mga bagay na marurumi; at pag-iwas na madapuan tayo ng langaw, ang ating pagkain, inumin, gamit sa pagluto at pagkain.

Pag-alis ng mga breeding sites
Natalakay na natin noong nakaraan ang breeding sites ng langaw. Kung mayroon tayong mga alagang hayop, linisin at itapon ng tama ang dumi nila dahil ito may maaring pangitlugan. Huwag lang basta-basta itatapon sa may damuhan. Ilagay ito sa basurahan na may takip at itapon ng tama. Mas maganda kung i-compost po natin para sigurado. Kung mayroon kayong babuyan, dapat mayroon ding septic tank para sa dumi nila. Huwag hayaang dumaloy lamang ito sa lupa. Isang pangkaraniwang breeding site sa kabahayan ay ang kulungan ng aso na nasa ibabaw ng lupa. Mali po ito, dahil gustong-gusto ito ng mga langaw – malamig yung lupa na medyo basa dahil sa ihi at dumi. Ipatong ninyo ang bahay ng aso sa sementadong lugar at panatilihing malinis at tuyo ang ilalim nito.

Basura – Takpan ang inyong mga basura, at huwag basta-basta itapon sa kanto. Sa aming pag-iikot sa Lungsod ng Tarlac, ang daming basurang tambak sa mga kanto na kahit may sign na huwag pagtapunan ng basura. Wala rin kaming nakikitang materials recovery facility (MRF) sa mga barangay. Napakarami nito sa Camiling. Hindi rin segrgated ang mga basura. Hindi ko rin nakitang pumasok ang garbage truck sa lugar namin. Sa mga ibang lungsod, may mga schedule ang pagkolekta ng basura, may designated place kung saan nila kukunin ang basura, at binabantayan ito ng mga tao para walang magtatapon kung hindi schedule ng basura. Hindi ito mahirap gawin. Political will, cooperation, at disiplina ng mga tao lang ito. Malaki ang role ng kapitan ng barangay dito, mga kagawad, at mga tanod. Isang halimbawa niyo ay isang barangay sa Lungsod ng Baguio (Greenwater Village). Noong una, hindi pa sumisikat araw (hindi pa uso ang tokhang noon), ang kapitana, dala ang kanyang megaphone kabuntot ng mga kagawad at tanod, ay pumupunta sa mga kabahayan at hihikayatin ang mga tao na lumabas at magwalis at maglinis ng basura. Tuwing garbage collection day, bawat collection area din ay may nakatoka na opisyal ng barangay para siguraduhing naka hiwalay ang nabubulok, di nabubulok, at recyclable. Hindi pa uso ang MRF noon, mayroon na silang recycling area na barangay initiated. Ang barangay na ito at naging cleanest and greenest for so many years, at ang kapitana ay well loved. Ngayon, paminsan-minsan na lang maririnig ang megaphone ni kapitana dahil ang mga residente na mismo ang kusang nagtutulungan at naglilinis. Ang mga kagawad ay sumunod sa kanyang yapak para panatilihing malinis ang kanilang sinasakupan. Puwede rin nating gawin ito sa Tarlac. Political will at good leadership lang po.

Poultry – It is a fact. Ang poultry ay napakagandang breeding site ng langaw. If not properly managed, tuwing harvest ng poultry ay tiba-tiba din tayo ng langaw. Ano ang dapat gawin? Una ang poultry owners ay dapat responsible. Huwag naman masyadong gahaman. Sa aming pananaliksik, ang gastusin ng poultry owner para sa fly control at nasa Php 0.70 – 1.00 bawat manok. Huwag naman na ninyong ipagkait pa ang piso na bawas sa kita ninyo para hindi kayo naghahasik ng langaw. Pero kung mayabang at uncooperative ang poultry owner, dapat ang kapitan mismo ang mag-initiate na ipasara ito lalo na kung ito ay nasa residential area, at huwag gawing rason na ayaw mag-cooperate si poultry owner. Kapitan ka, may recommendatory power ka. Kung hindi mo ito magawa, malamang may patong ka. Hindi ka dapat nakaupo diyan.

Sa City Health Office naman, ang comment ng tao sa inyo, pagpasok ninyo sa poultry na malangaw at mabaho ay nakasimangot kayo pero paglabas ninyo ay nakangiti na kayo. Gawin naman ninyo ng tama ang inyong trabaho at huwag na ninyong paikut-ikutin ang mga tao. Huwag niyong gawing tanga ang lahat ng tao. Ang poultry owner ay walang magawa kundi sumunod sa ating sanitation policies (kung meron man) kung ipatupad niyo lamang ito. Inspect kayo ng inspect. For what? What happens after inspection? Langaw pa rin. Mabaho pa rin. Pambihira naman kayo, masyado naman nang insulto sa common sense ng mga tao ‘yan!

Pag-alis ng mga fly attractants
Ano ang fly attractant? Ito ang mga bagay na gustong-gusto ng mga langaw. Ang kimchi ay gustong-gusto ng langaw. Pero di naman natin maiwasan ito sa Korean restaurants, kaya dapat nakatakip ang mga ito. Kung kayo ay nakatira malapit sa poultry na malangaw at magbibigay ng “gamot” na “pamatay langaw” daw ang poultry, ay huwag ninyong basta-basta tatanggapin. Karaniwan, ibibigay sa inyo asukal na may “gamot”. Fly attractant po iyon, pag kinain iyon ng mga langaw ay mamamatay sila. Bakit huwag tanggapin? Dahil sila dapat ang maglagay niyan sa lugar niya para ang langaw ay huwag lumabas papunta sa mga kabahayan. Insulto na naman ‘yan sa ating common sense. Palabasin nila ang na-breed nilang langaw tapos magbibigay sila ng fly attractant sa mga bahay, eh di lalo silang langawin!

Pag-patay ng mga langaw
Ang mga langaw na nasa kapaligiran na ay dapat patayin dahil dadami at dadami ang mga ito. Mamatay sila kung wala silang pagkain, pero kahit na malinis ka sa iyong bahay at ginawa mong lahat para hindi mag-breed ang langaw sa kapaligiran mo, hindi mo masisigurado na ganoon din ang kapitbahay mo. Kaya ang mainam, kung may makita kang langaw at patayin mo.

Fly swatter – Ma-trabaho ito, ngunit kung kakaunti lang naman ang langaw at pagtiyahan na nating isa-isahing patayin sa pamamagitan ng fly swatter. Sa isang langaw na mapatay mo, maiwasan ang pangingitlog nito ng isang-daan. Ang problema, dito sa Tarlac City ay walang mabilhan ng fly swatter (supermarkets, palengke). Nakapag-tataka. Hindi ba ito mabili? Karamihan ng tindera hindi pa alam kung ano ito. Iisang store lang ang nakitaan ko ng fly swatter ngunit mahina ang kalidad, ito ay katabi ng opisina ng Pag-Ibig sa Metro Town.

Zapper – Medyo may kamahalan ito, ngunit kung may pera kayo, maigi na bumili kayo nito para na rin sa insekto sa gabi. Nakakakuha din ng langaw, pero maingay lang. (PLACE PIC OF LANGAW IN ZAPPER)

Fly Traps – Maraming design ng fly traps sa Internet na puwede ninyong gawin, lalo na kung may alaga kayong mga manok. Hindi masamang gumawa kayo nito at ilagay ninyo malapit sa bahay ng inyong manok.

Sticky tapes – May mga sticky tapes (fly paper) na isinasabit. Ito kadalasan ang gamit sa mga tindahan ng isda (parang wala akong nakitang gumagamit nito sa palengke natin). Sticky tape ito na para sa mga langaw. Hindi nga lang magandang tingnan pag ito ay nasa bahay pero kung wala tayong choice, ay mas mainam na kaysa malangaw.

Insecticides – Kung talagang napakarami na ng langaw ay puwede kayong mag spray, ngunit sundan ng mabuti ang instructions dahil masama ito sa kalusugan natin. Kung ako ang tatanungin, hangga’t maari ay iwasan ang insecticide, although kung may iresponsableng poultry na malapit sa inyo ay wala kayong choice kung hindi mag-spray kung talagang napakarami na ng langaw.

At the end of the day, ang pag-puksa ng langaw ay isang community effort. Una sa lahat ay kalinisan natin sa bahay. Pangalawa ay pakikialam. Sabi nga ni Ted Failon, “may paki tayo.” Kung nakita mong mali ang ginagawa ng kapitbahay mo (mahirap man o mayaman) ay makialam ka. Kung hindi mo kayang sabihan siya ng deretsahan ay idulog mo sa barangay. Pangalawa, ang barangay naman ay dapat may “paki” din. May power ang barangay na tumawag ng dialog, ng meeting. Ang barangay din dapat ay mag-initiate ng clean and green programs, hindi lang sa karatula kundi totohanan dapat. Puntahan ng barangay leadership ang mga constituents at i-educate sila sa tamang paglilinis. Kung may 3-o’clock cleaning habit ang DOH para sa mga lamok na sanhi ng dengue ay dapat isama na rin ang proper education and cleaning habit para mapuksa ang langaw na nakapgdudulot din ng sakit. Ituro din dapat ito sa ating mga eskwela. Pangatlo, ang city government ay dapat may “paki” din. Sibakin na ang mga inutil na hindi gumagawa ng kanilang trabaho at repasuhin na ang City Health Office. Tama na ang turuan at takipan. Alam ng City Health Office ang nararapat nilang gawin, pero kung ayaw nilang protektahan ang mga tao at mas gustuhin nilang bigyan ng palusot ang mga iresponsableng negosyante, ay dapat ng manghimasok si Mayora niyan. Si Mayora ang may kapangyarihang gawin iyan.
Mayor Cristy Angeles, bilang babae, ina, ina ng bayan, naniniwala kami na ayaw mo ng langaw sa iyong bahay. Ayaw mong dapuan ng langaw ang iyong pagkain, ayaw mong dapuan ng langaw ang iyong pamilya. Ayaw din namin ito. Marami kayong maaring gawin. All you need is political will, otherwise, Tarlac will be tagged as Langaw City.

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *