LDC general assembly ginanap

Sa layuning talakayin ang direksiyon ng mga plano at mga proyekto na isasagawa lalung-lalo na sa iba’t-ibang barangay sa lungsod para sa taong 2017, ginanap ang General Assembly ng Local Development Council sa lungsod ng Tarlac nitong nakaraang Lunes, Oktubre 17.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Mayor Cristy Angeles na dinaluhan din ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Genaro Mendoza kasama si Konsehal Vladimir Rodriguez na Chairman ng Committee on Budget, Finance and Appropriations.

Nakilahok din ang mga punong barangay sa lungsod at mga punong kinatawan ng iba’t-ibang civil society organizations at non-government organizations tulad ng Amucao Seed Grower Agro-Industrial Cooperative, Bosconian: Boss Ka Nyan, Inc., Bulong Third World Environmentalist, Inc., KAPABA, One Tarlac, Inc. TAT-MOC, Tarlac City Confederation of TODA, Inc., atbp.

Pinangunahan ni Engr. Reggie Magsino, OIC ng City Engineering Office, ang presentasyon ng mga iminumungkahing mga proyekto at programa para sa Local Development Investment Program sa Tarlac City para sa taong 2016 hanggang 2019.

Matapos ang diskusyon at ilang mga karagdagang mungkahi mula sa mga CSO at NGOs na pinakinggan naman ni Mayor Cristy bilang chairperson ng LDC, mabilis na inaprobahan ang mga programang nabanggit sa presentasyon ni Magsino./Tarlac CIO

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *