Sa nalalapit na pagpasok na bagong Digong Duterte administration, base sa aking mga naririnig, sa aking palagay ang mga sumusunod ay magiging in-demand na mga kurso sa kolehiyo at technical vocational courses:
Number 1 ang Criminology para pagka-graduate ninyo ay pasok na kayo agad sa kapulisan at sabi ni Duterte ay gagawin daw niya na P70K per month and sahod ng mga Pulis. Very good, very good. Pangalawa ay ang Embalsamador. Maniwala kayo o hindi dadami ang paglalamayan sa mga punerarya kaya lalakas ang demand para sa mga embalsamador. Pangatlo ay ang funeral parlor administrator. Inaasahan natin na dadami rin ang mag-bubukas na mga punerarya kaya mangangailangan ng mga administrador ng punerarya. Pang-apat ay mga environmental specialists with specialization on aquatic or sea water cleansing. Alam naman ninyo, sabi ni Pangulong Digong na maraming bangkay ang itatapon sa Manila Bay kaya magkakaroon ng mga bakanteng posisyon para environmental specialists.
Pang-limang special course ay ang salvaging or summary killings documenter, dahil sa dami nang lumalabas na mga taong papatayin base na rin sa tuwing bubuksan ni Presidente Duterte ang kanyang bunganga ay puros patay dito, patay duon ang ating naririnig (pati na rin ang incoming Chief PNP, nahawa na rin sa amo niya na puro patay dito, patay duon na rin pinag-sasabi), sigurdo ko na mangangailangan ng maraming salvaging and summary killings documenters.
Ang mga mahihinang kurso na dapat iwasan ay communication arts at mass com. Wala nang hanap-buhay ang mga medyas sa kasalukuyang administrasyon ni Duterte at delikado pa kasi. Karapat-dapat lang kasi na ang mga medyas ayon mismo kay Pangulong Duterte ay patayin, justified naman daw.
Para naman sa mga magagandang negosyo, apat na negosyo ang nakikita ko na magbo-boom. Una dito ay ang mga punerarya (funeral parlors). Hindi ko na kailangan ipaliwanag pa kung bakit lalakas ang mga punerarya, tanungin ninyo na lang po mga mahal kong tagasubaybay ng kolum na ito si Pangulong Digong. Pangalawa ay ang supply ng mga bulaklak sa punerarya. Kapag maraming patay sa punerarya ay kelangan ng maraming bulaklak. Pangatlo ay ang pagiging supplier ng kandila. Kung maraming punerarya ay marami ring kandila na kakailanganin. Pang-apat ay ang supply and for rent ng mga karo (funeral cars or hearses). Siguradong lalakas ang pangangailangan ng mga karo.
Ayan po mga mahal ko na tagapagsubaybay na mambabasa ng kolum ko ang aking mga rekomendasyon na mga kurso at negosyo.
Haaayy Buhay nga naman este Patay nga Naman!!!
