Sino ba kasi yung nagsabi nung “those who have less in life should have more in law,” ano ba talaga ang ibig sabihin nito? Ayon kay Dr. Internet, ang kasabihan na ito ay nagmula kay dating pangulong Ramon Magsaysay na lumalabas na madalas i-misquote sapagkat ang sinabi pala ni RMagsaysay ay “those who have less in life should have more law” o ang ibig niyang sabihin ay mahirap ka na nga kaya pag-aralan mong maigi ang batas nang hindi ka maapi. Ngayon ano ang kinalaman nitong kasabihan na ito sa isang reward na ibinibigay ng siyudad ng Tarlac bilang pabuya o reward sa kung sinuman makakapagbigay ng impormsayon sa agarang pagkahuli ng mga pumaslang sa isang prominenteng Doktor na si Dr. Romeo Subiate nitong nakaraang July 28. Nais ko lang linawin na hindi po ako tutol sa mga ganitong hakbangin na ang layunin ay to encourage the citizenry as a form of reward na magbigay ng impormasyon para makatulong sa agarang solusyon ng isang karumal-dumal na krimen. Ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit selective ang ganitong uri ng pagbibigay ng reward at para bagang mali ata ang siste, bakit ka ninyo?
Una sa lahat ay lahat ba ng napapaslang ay nagbibigay ng P100K pabuya or reward ang siyudad para sa impormasyon tungkol sa salarin? Hindi ba at pare-pareho lang dapat ang halaga at importansya ng isang buhay, maging isang doktor o isang basurero ang napaslang? Hindi ba at kung tutuusin ay kung sino pa ang taong mahirap ay siya pa nga ang dapat nating mas tulungan? Siguro sa aking palagay (hindi ko personal na kilala si Doc Subiate at wala rin akong alam sa kanyang background) bagama’t sa aking palagay ay mas nakakaangat ang estado ni Dr. Subiate kompara sa maraming ibang mga pamilya na sila rin ay biktima ng krimen.
Ang tanong ko ngayon ay ano kaya ang magiging pakiramdam ng ibang mga pamilya na naging biktima ng mga karumaldumal na krimen ngunti hindi nag-alok ng pabuya/reward ang siyudad at hindi rin nagsagawa ng City Council Resolution for such a reward? Ano sa palagay ninyo ang magiging pakiramdam nila???
Kaya kayo jan sa MAYOR’S OFFICE AT KAYONG MGA TONGSEHAL ESTE KONSEHAL, KUNG MINSAN AY GAMIT-GAMITIN RIN NINYO ANG INYONG SENTIDO KOMON HA ano nga ba sa ingles yung sentido komon? Hindi ba at Common Sense na kung saan madalas sabihin nila ay ang common sense is not common. Ano ba kayo mga HONORABLE LOCAL GOVERNMENT OFFICIALS, hanggang sa pagbibigay ng pabuya ay palakasan pa rin ba ang paiiralin? O baka sadyang mali si Ramon Magsaysay at ang kanyang ibig sabihin ay those who have less in life should also have less in law. Hi! Hi! Hi!
