>Publisher ng jaryo na-tokhang? >Kahit sinong gunggong pwede maging publisher- Part 1!

Pasensya na muna kayo mga dear readers sa kolum ko ngayon at kailangan ko na munang mag-blind item hinggil sa kung sino itong aking tinutukoy na isang publisher ng isang lokal na pahayagan na na-tokhang daw. Sa kasalukuyan ay aking pang biniberipika ang aking nakalap na impormasyon at kapag atin nang na kompirma ay makasisiguro kayo na aking ilalabas ang identity ng Baboy este tao na ito.

Bagama’t kompirmado na natin na gumagamit itong si Mr/Ms Publisher na ito ay mas maganda pa ring malaman kung siya ay nabigyan ba talaga ng friendly “tokhang” visit ng PNP (friendly pala ang tokhang, Hi! Hi! Hi!

Alam niyo mga dear readers, sa tutuo lang ay kahit na sinong gunggong or kung sabihin ay any Tom, Dick and Harry ay maaring maging isang publisher basta’t mayroon lang siyang ipupuhunan para sa gagastusin sa pag-publish ng isang pahayagan, bagama’t hindi kahit sino ay maaari o kuwalipikado para maging isang editor o kahit na isang writer o manunulat.

Katulad ko halimbawa ay isa lamang akong kolumnista. Itong aking isinasagawa ay madali lamang ito sapagkat ito ay aking opinyon lamang, bagama’t kung ako ay sabihin mo na mag-edit ng isang pahayagan ay walang wala tayong kuwalipikasyon at kakayahan na maging isang editor o writer of straight news, more so investigative pieces. Kaya malaki ang respeto at paggalang ko sa magagaling na editors and writers of in-depth investigative pieces.

Ngayon, hinggil dito kay small boy-tokhang-user publisher, ang mapapayo ko lang sa ‘yo Mr Publisher ay pakatatandaan mo, bilog ang mundo. At ma-ishare ko lang ang ilan sa aking nakalap na mga kasabihan , una dito ay: “those who come to court should come with clean hands” at ang isa pa ay “those who live in glass houses should not throw stones.” Ang isa pa ay “nakita mo yung langaw nakatungtung lang sa kalabaw akala na niya mas malaki na siya sa kalabaw.” Bow! Hi! Hi! Hi! (Ingles ‘yan mga dear readers, paminsan-minsan ay kaya ko rin).

Akala mo kung sino kang naggagaling-galingan ka, pero sa tutuo lang ay BORNOK NAMAN ITONG SI MR. TOKHANG –PUBLISHER! PWEEEEE…..

oOo

Sa susunod kong kolum ay aking tatalakayin ang hinggil sa mga sumusunod na topic tungkol sa mga local at national na pahayagan: Una dito ay kung paano kumikita o nalulugi ang mga pahayagan na ito. Pangalawa ay ano ba ang benepisyo (kung mayroon man) sa pagiging isang publisher o nagmamay-ari ng isang pahayagan. Pangatlo ay ano kaya ang future na ating nakikita para sa mga langaw press este mosquito press (isang termino na ginamit ni dating strong man President Ferdinand Macoy Marcos in reference to the local press). Pang-apat ay anu-ano ang mga gastusin (costs) at requirements para maglabas o mag-publish ng isang pahayagan. Panglima ay gawan natin ng konting comparison ang mga nakakasakop ng quad –media o sinasabing social media, TV, Radio, and Print. Panganim, ang isang estratehiya ng pahayagan na ito kung bakit nagiging epektibo siya sa propaganda.

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *