Rebulto ni Ninoy Nakatambak sa Baras-baras

Inalala ni Tarlac City Vice Mayor Genaro M.Mendoza ang kabayanihan ni dating Senador Benigno Aquino, ang pag-alala ay isinagawa nito sa kanyang privilege speech sa katatapos na sesyon ng Sangguniang Panlungsod.

Inalala ni Mendoza ang mga kabayanihan ni “Ninoy” at ang pakikipaglaban niya sa diktador para sa demokrasya hanggang sa mapatay siya na naging ugat upang lumikha ng “People Power”.

Matatandaan na ika-31 taong kamatayan ni Ninoy Aquino sa Agosto 21, 2016, ideneklarang Ninoy Aquino Day at isang National Holiday.

Sinabi ni Mendoza na sa ibang lugar ay inaalala si Ninoy sa paggawa ng mga bantayog nito sa ibat-ibang local government unit sa bansa.

May isang malaking rebulto ni Ninoy na nagmula pa sa Makati City, inilipat at inilagay ito sa harap ng Luisita Industrial Park, inilipat sa Ninoy Aquino Boulevard, at dahil sa sagabal sa paggawa ng daan tatamaan ng crane ay inalis at ngayon ay nakatambak nalamang sa City Agriculture Office Extension sa Baras-Baras.

Inaasahan ni Mendoza na mailalagaysa ayos ang rebultong ito ni Ninoy sa tamang dapat kalagyan.

Isang resolusyon naman ang ipinasa ni Konsehal Vlad Rodriguez upAng hilingin sa bagong alkalde na ilagay sa ayos ang nasabing rebulto ni NINOY Aquino./FB BanatNewsMag

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *