Tarlac City quarry collections, patuloy sa paglaki

TARLAC CITY [CIO]– Patuloy ang paglaki ng collection ng Task Force Quarry na umabot sa P588,000 ngayong Oktubre 2017 kumpara sa P132,000 lamang noong Oktubre 2015, ayon sa datos na inilabas ng Office of the Provincial Treasurer.

Mahigit apat na beses o 445% ang inilaki ng collection ng mga tauhan ng nasabing Task Force na ibinuo ni Mayor Cristy Angeles sa mga unang buwan ng kanyang panunungkulan upang matiyak na wasto ang halagang binabayaran ng mga quarry operators at matigil ang mga iniulat na mga anomalya.

Sa unang taon sa tungkulin ni Mayor Cristy may kabuuang P1.9 million ang quarry collection na kung ikukumpara ay P220,500 lamang mula Hulyo 2015 hanggang Hunyo 2016. Nangangahalugan ito ng kamangha-manghang 1,168% average monthly increase..

Ang karagdagang pondo ay mabisang nagagamit ng Pamahalaang Lungsod para sa mga serbisyo at programang direktang pinakikinabangan ng mga Tarlaqueño.

Ang pagsampa sa mahigit kalahating milyon sa isang buwan lamang na quarry collection ay ngayon lamang nangyari sa loob ng maraming taon. Ito ay malinaw na patunay sa pakikiisa at suporta ng mamamayang Tarlaqueño sa Administrasyong Angeles./@tarlac.cio

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *