•ASF laganap na sa Tarlac!!! •Bird flu sa China !!!

ASF laganap na sa Tarlac- Ito lamang linggo na ito ay nabigyan tayo ng info kung saan ang opisina ng Provincial Vet ay nag-sagawa ng culling o pagkakatay sa ilang barangay sa may Gerona ng mga baboy na napatunayan na tinamaan ng ASF. Ito ay isang hakbangin na nararapat gawin, a bitter pill kung tawagin, bagama’t malaking tama at pag-kalugi ang aabutan at inaabutan ng maraming magba-baboy lalung-lalo na ang mga small scale backyard piggeries as well as mga big time piggeries. Isang bagay nga lang ang aking pinagtataka at ito ay hinggil sa info na binigay sakin na marami sa mga babuyan na tinamaan ng ASF, at ito ay agaran na nilang kinakatay ang kanilang baboy at ibinebenta at ibina-bargain na sa halagang P100/kg at ang iba ay kasing baba pa ng P50/kg. Ayon sa aking impormante ay ganito daw ang kalakaran sa munisipyo ng Gerona.
Kung ating iisipin ay OK lang naman, dapat na maging for human consumption sapagkat hindi naman ito transmittable sa humans, ngunit kung ganito ang magiging siste ay kelan pa mabubura ang ASF na ito na highly communicable sa mga baboy? In fact ang kaning baboy nga lang na nahaluan ng delata na baboy na may ASF ay possible ng makahawa ng mga ibang baboy.
Sa aking pagkakaintindi ay isa lang ang siguradong proseso na dapat gampanan ng provincial vet at pati na rin ang mga local officials, at ito ay ang mag-voluntary and/or compulsory culling o pagkatay at sabay ilibing ang mga kinatay na baboy at huwag ng ipakain sa tao o hayop.
Yaan lamang ang paraan once and for all para mabura na ng tulyan ang ASF.

####
Bird flu sa China
– Hindi pa tayo nakakarecover sa ASF at sa Corona Virus ay eto na naman ang isang balita na may isang lugar sa China na nakonpirmang may Bird Flu. Ayon kay Professor Google itong bird flu na ito ay hindi naman daw communicable sa humans o sa tao ngunit napaka-deadly sa mga manok at mga iba’t ibang uri ng mga ibon, kasama na dito ang mga pato, itik, etc.
Ano ba naman itong mga sakit na ito na nagmumula sa China, maging historically way back from the plague (early 1900’s) that killed millions hanggang sa kasalukuyan na ASF, Sars, Bird Flu at Corona Virus na puros daw nagmula sa China.
Napapanahon na talaga para baguhin ng China at gawin ang tama na hindi nila ginagawa at maging maingat.
Sa mga kapatid natin Chinese sa China pag-dating sa mga ganitong bagay kailangan ay self-regulation at baguhin na ang sistema ng pagkakain ng kung anu-anong mga exotic food na sinasabi na siyang ugat ng pinagmulan ng mga virus na ito. Kailangan nating malampasan ang mga ganitong uri ng mga nakakahawa at nakamamatay na mga virus na mistulang masasabi natin na isa pala itong instrument for mass killing. Panahon na para ayusin ng China ang kanilang sistema at kung kinakailangan na panagutin ang China para sa danyos ng kasalukuyan ASF at Corona Virus, dapat lamang na managot at magmulta sila.
Dahil sa naipabalita na bird flu na ito marami na naman na mga may-ari ng mga poultry ay hindi na makatulog ng mahimbing!!!
Viya Con Diyos. Hasta La Vista!!!

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *