•Novel Corona Virus- HINDI BIRO!!! •Mabuhay PBGen Rhodel Sermonia!!!

Mabuhay PBGen Rhodel Sermonia – Mukhang nagsasagawa ng malawakang balasahan ang ating makisig at butihing PNP Regional Director (Region 3) na si RD PBGen Rhodel Sermonia. Alam naman natin na, natural lamang sa isang pinuno ng opisina na ilagay ang kanyang mga kilala at subok na mga tauhan sa isang puwesto. Ito ay isang sistema na ginagawa maging sa pampubliko o pribadong sector. Lalung-lalo na sa ating mga police and law enforcement services kung saan ang integridad, kapabilidad at kredibilidad ay ang ilan lamang sa mga aspeto na napaka-importante lalung-lalo na at nasisiguro ko na ang number one marching orders ng ating PNP Chief Archie Gamboa sa lahat ng mga Regional Commanders ay ang image building and enhancement ng ating mga kapulisan para sa ganoon ay manumbalik ang tiwala at kredibilidad ng ating mga kapulisan.
Base sa aking info na aking nakalap, ito daw si PBGen Sermonia (PMA, Makatao Class of 1989) ay isa ring action man at hindi mag-aatubiling disiplinahan ang kanyang mga subordinates.
Ang problema nga lang General SIR ay mukhang may mga ilang opisyales ng PNP na tunay na kataka-taka kung paano sila naging opisyal in the first place?! Mayroon akong alam na isang opisyal na ubod ang korap at boplaks na boplaks (TOLONGES). Tunay na isang malaking palaisipan kung paano siya na-promote mula nung siya ay kapitan at ngayon ay isa na siyang Major (Major problem sigurado). O Dyos Por Santo, Mahal na Panginoon paano bagaang (ala eh) naging opisyal ang pulis patola na ito, mabuti na lang at hindi siya PNPA Graduate kung hindi sana ay napakalaking kahihiyan sa academy ng mga kapwa PNPA. At eto pa ang kataka-taka – ang boplaks na ito ay isang Chief of Police ng isang bayan sa Tarlac. Kaya kapag personal kong nakausap si PD Poklay na isang Baguio Boy (PNPA Class ‘94, if I am not mistaken) at si RD Sermonia ay aking isa-suggest na ipa-iskuling ng at least 15 years hanggang sa magretiro na ang mokong na ito at huwag bigyan ng command responsibility.

####
Novel Corona Virus- HINDI BIRO
– Huwag po natin balewalahin ang corona virus. Hindi po ito biro mga kabayan at mas mainam ng mayroon tayong takot at malaking ingat sa ganitong uri ng mga sakit kaysa sa masyadong malakas ang loob natin at babalewalain natin ang sakit na ito na nakamamatay.
Ang isa nating dapat gawin ay palakasin natin ang ating resistensiya at immune system nang sa ganoon ay kung sakali malasin tayo at tayo ay madapuan, ay ating malusutan si corona virus. Katulad ng matagal ng kasabihan sa Ingles that an ounce of prevention is better than a pound of cure. Ibig sabihin ay sumuot ng face mask, parating mag-hugas ng kamay at mag alcohol, umiwas sa mga inuubo-ubo at kapag mayroon kayong nalaman o nasuspetsahan na posibleng may ganitong sakit ay agarang ireport sa DOH. Hasta La Vista. Vaya con Dyos!!!vv

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *