Ano ba namang klaseng Presidente itong si Digong, para lamang sa isang kaso ng isang Koreanong negosyante na kinatay (allegedly) ng mga opisyales ng PNP mismo sa PNP headquarters ay nawalan na siya ng tiwala sa PNP-AKG. Paano na yung libu-libong mga EJK (allegedly) sa ating mga mahihirap na kababayan, ok lang ano Mr. Digong? Ayon nga kay Teresita Ang Sy ang isang matinding advocate against kidnapping sa Chinese community ay mayroon halos isang dosenang tokhang for ransom na naganap na bagama’t hindi lang inirereport sa mga kapulisan.
Kapag isang Koreano ay kinatay sa isang mala karumaldumal na sitwasyon ay biglang nagulantang itong si Mr. Digong at bigla nang nawalan na ng tiwala sa PNP at pati na rin sa NBI.
Katawa-tawa sapagkat biglang ipinatigil sa PNP ni Mr. Digong ang operasyon laban sa droga at PDEA na lang daw ang magsasagawa ng mga operasyon. Ano kaya ang akala ni Mr. Digong, mga santo-santita ang mga na sa PDEA? Hi! Hi! Hi!
Sa tutuo lang ay hindi naman kataka-taka ang naging pag-asta at pag-kilos ng PNP sapagkat dati naman nang katanggap-tagggap ang impormasyon at ang imahe na ang PNP ang isa sa pinaka-korap among the government offices/agencies kaya hindi naman kataka-taka ang nangyari sa Koreano.
O ngayon, porket Koreano at foreigner ay nagulantang itong si Mr. Digong ngunit kung kapwa Pinoy na mahihirap ay ok lang na katayin sila at case closed pa, at siyempre ay full back up si Mr. Digong sa kanyang kapulisan.
Nakalimutan na ba ni Mr. Digong ang kanyang mga paulit-ulit na pronouncements on national TV na mayroon na siyang mga signed na parol at pardon para sa mga kapulisan na makukulong? Nakalimutan na ba ni Mr. Digong ang kanyang pinagsasabi na full support at back up siya sa mga kapulisan hinggil sa kanilang mga pinapatay at bibigyan pa niya ng parangal ang maraming mapapatay at siyempre sabi rin ni Mr. Digong na tutulungan niya ang mga kapulisan pag dating sa kanilang mga legal defense na kung kailanganin nila ng abogago este abogado ay bibigyan niya sila ng abogago. Sa tutuo lang ay hindi lang naman ito ang mga pinag sasabi ni Mr. Digong na sa aking palagay at sinabi na rin sa akin ng ilan sa aking mga kaibigang pulis na tunay na lumakas ng husto ang kanilang loob sapagkat full support si Mr. Digong sa kanila.
Kung tutuusin ay wala namang masama sa magsabi ng full support ka sa mga pulis basta alam nila na pare-parehas ang trato niya sa lahat at walang palakasan na katulad ng nakita natin sa kanyang pagtrato kay P/Supt. Marcos na ang kanyang grupo ang kumatay kay Mayor Espinosa the alleged drug lord, pero wala rin. O ngayon sa dinami-dami ng pinagsasabi ni Mr. Digong hinggil sa suporta sa PNP at sa mga encounter, pagpatay etc…, malinaw naman na pinalaki niya ng husto ang ulo ng maraming mga kawani ng PNP, kaya kung sabihin nila sa ingles ay You Created a Monster Mr. Digong, a monster that will eventually eat you up alive.
