Visa ni Bato Kanselado!!! Kelangan natin ang VFA!!!

Visa ni Bato Kanselado – Ano ba naman yang US Visa na yan, ano ba naman ang importansya at saysay ng isang US Visa para sa isang tao? Bagamat naiintindihan ko na kung ang isang Pilipino ay maraming extended family(s) sa estados unidos ay kakailanganin nga naman ng US Visa ngunit kung para lamang makapasyal ay hindi dapat manghinayang si Senador Bato sa pagkansela ng kanyang visa lalong lalo na at napakarami pa na ibang bansa na maaring mapuntahan. Katulad halimbawa ng Africa, Iran, Iraq, Afghanistan o China kung saan napakaraming mapupuntahan sa China lalong lalo na ngayon na mayroon matinding attraction sa Wuhan kung saan makikita natin ang pagtatayo ng isang gusali (major hospital) sa panahon na 10 days lamang; at kung suwertihin kayo ay may libreng corona virus pa kayong madadampot. Kaya kung ako si Senatong este Senator Bato ay hindi ako magtatampo sa amerika at sa halip ay kusang loob kong isasaoli ang aking invalid o cancelled US Visa.
Sa tutuo lang ay sangayon din ako na kumuha ng visa ang mga kano kapag pupunta sila sa ating bansa, yun ang sinasabing reciprocal diplomatic relations. Kung ang pinoy kelangan kumuha ng visa eh di ganun din sana sa mga Kano kapag pupunta sa atin ay kelangan rin kumuha ng visa.

####
Kelangan natin ang VFA – Sa pagkakataon na ito ay kokontrahin ko ang ating mahal na Pangulong PRRD pagdating sa kanyang planong ikansela ang visiting forces agreement (VFA).
Mr President, maling mali po ang nais ninyong mangyari na makansela ang VFA. Kelangan natin at ng ating mga kapitbahay ang mga Kano lalung-lalo na pagdating sa hanay ng sekuridad.
Marahil ang dapat na gawin ng ating pangulo ay ang padalhan ng notice o abiso ang mga Kano na kung nais nilang magpatuloy ang VFA ay magbigay sila ng mas malaki na aid at suporta sa ating bansa, sapagkat aking napag-alaman na napakaliit ang binibigay na suporta o tulong (aid) ng Amerika sa Pinas kumpara sa binibigay ng Amerika sa ibang mga bansa na hindi naman kasing strategic na katulad ng ating bansa.
Yaan lamang ang aking humble suggestion Mr. President. Pera-pera lang Mr. President. Kung gusto ng mga kano ng VFA ay lakihan nila ng mga ten times o sampung beses ang kanilang itinutulong sa atin. NALPAS

####
Nakatanggap ako ng ilang komento hinggil sa aking nakaraang kolum kung saan masyado ko daw binatikos ang mga fake na ahente o yun mga ahente ng lupa na hindi lisensyado o licensed broker.
May kasabihan sa Ingles na the truth hurts but it is the truth. Totoo naman na napakaraming mga ahente ng lupa na milyun-milyon ang pinag-uusapan ngunit pagdating ng pananghalian ay no meal at mangungutang pa ng pambili ng badyet meal. Eh kung bakit kasi ang lulupit ng ibang mga ahente na mang istir, manlinlang o manggantso ng kanilang kapwa ahente o kung minsan ay mismong seller o nag bebenta o buyer ang kanilang ginogoyo.

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *