TARLAC CITY (CIO)– Ang huling araw ng Buwan ng Kababaihan ay ipinagdiwang sa pamamagitan ng mga sari-saring aktibidad ngayong araw, Marso 31, 2017, sa bulwagan ng City Hall.
Inalay ni Mayor Cristy Angeles para sa mga kababihang kawani ang araw na ito. Maging ang mga kababaihang opisyal ng mga barangay ay nakilahok sa mga aktibidad na inorganisa ni Bb. Emmy Lou Sicangco, tagapamuno ng City Human Resource Management Office.
Isang symposium para sa ligtas na pagbubuntis at pagiging ina ang ginanap mula 9:00 ng umaga na tumagal na higit-kumulang dalawang oras. Umanib ang City Health Office sa nasabing forum. Ginayak ni Dr. Ma. Carmela Go ang kanyang mga tauhan upang magbigay ng libreng bakuna laban sa pneumonia sa mga kababihan na dumalo.
Ganap na 11:00 ng umaga naman nang magbigay ng kaalaman sina Atty. Melvin John Cuison at Atty. Erwin Manguera ng Public Attorney’s Office Tarlac tungkol sa mga batas laban sa karahasan sa mga kababaihan at kabataan.
Sa hapon ay nagkaroon ng pagsasanay na pinangunahan ng City Cooperative and Enterprise Office (CCEDO) para sa mga maaaring maging hanapbuhay o pagkakakitaan ng mga kababaihan. Matapos ang mga makabuluhang gawaing ito, tumungo naman sa Tarlac City Plazuela ang mga sumali sa Zumba kasama ang expert dito na si Bb. Lita Maniebog.
Buong araw namang nakaantabay ang mga kawani ng OFW Resource Center and Legal Assistance Office at mga booth ng CCEDO na nagtinda ng mga woven water lily products, mga halaman at iba pang produkto.
Ang programang ito ng pamunuan ni Mayor Cristy Angeles ay nagpapatunay lamang na ang Ina ng Lungsod ay tunay na may kamlayan sa pangangailngan ng mga kababaihan at ng kanyang nasasakupan
