Bagamat 12 lamang ang miyembro ng Task Force Quarry at madalas ay wala umanong sweldo o minsan naman ay delayed at wala umanong logistical support tulad ng sasakyan at gas allowance, naging matagumpay pa rin ang naging operation ng Tarlac City Task Force Quarry.
Ito ang pinakahuling ulat kaugnay sa quarry operations sa Lungsod ng Tarlac.
Bilang patunay nito at base na rin sa aming source sa Provincial Treasury na kanila din sinertipika, tumaas ng mahigit sa 850 to 900 percent ang revenue collections galing sa mga Quarry operations sa Lungsod ng Tarlac.
Ang CARANGIAN, SAN NICOLAS at SALAPUNGAN collections ay tumaas din.
Ayon sa Provincial task force office, ang 30-30-40 sharing scheme ng Provincial government, city at barangay ay pinapatupad pa rin.
Ayon din sa ating source, who requested anonymity, “madalas nga po ay kailangan nating abonoan ang pasahod ng ating mga staff para maipagpatuloy lang ang ating operation.
Against all odds
“Sa kabila po ng mga pagsubok na nabanggit ay matibay at lubos pa rin ang paniniwala sa malinis at tapat na pamumuno ni Mayor Cristy Angrles. Kami po ay nananalig na matatamo namin ang tagumpay sa kabila ng anu mang pagsubok at balakid. Basta may pagkakaisa at higit sa lahat, ang uncompromising political will ni Mayor Cristy”, dagdag ng aming source.
In fact, for the record, iyong dating P8,000 ay umabot na ng 40,000 ang koleksiyon mula sa Armenia quarry operations.
Kahit pa diumano sa panahon ni dating Gov. Tingting at mga Yap ay hindi naabot ang nasabing pagtaas ng koleksiyon mula sa mga quarry operation na dapat ay may kaukulang Delivery Reciept (DR) ang bawat biyahe ng mga truck. Lubhang napakaimportante na tama at nasa proseso ang operation ng quarry dahil ito ay isa sa pinagkukunan natin ng pondo para sa pagbibigay natin ng serbisyo at tulong sa ating mga mamamayan,” pagtatapos ng aming source./REM DE LEON GALANG
