Mga timbangan sa palengke – sinuri

Tarlac City – Sa bisa ng City Ordinance No. 05-003, nagsagawa ang mga kawani ng City Economic Enterprise Management Office (CEEMO)– Market Division, Task Force Market, City Treasurer’s Office at City Information Office ng malawakang pagsusuri ng mga timbangan sa Tarlac City Uptown Public Market ngayong umaga, Hulyo 5, 2017.

Nakasaad sa nasabing ordinansa na kailangang masuri ang anumang kagamitang panimbang sa mga pamilihan upang masiguro na ang mga ito ay nasa tamanag kalibrasyon.

Kadalasang dinadala ng mga tindera ang kanilang mga kagamitan sa tanggapan ng CEEMO – Market Division upang ipasuri. Upang hindi na maabala ang mga tindera sa kanilang paghahanap buhay, minabuti na lang ng mga kawani mula sa Pamahalaang Lungsod na pumunta sa Wet Section ng Uptown Public Market. Bumuo ng tatlong grupo para sa nasabing operasyon upang mas maayos at mabilis na mapaglingkuran ang mga nagtitinda.

Nagkaroon man ng humigit kumulang na 10 na timbangan na hindi tama ang kalibrasyon, masasabing naging positibo pa rin ang reaksyon ng mga tindera at mga mamimili sa nasabing operasyon dahil alam nilang mas makatutulong ang ginawang pagsusuri upang mawala ang mga agam-agam ng mga mamimili./Tarlac CIO

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *