Change Scamming este Change is Coming?! Jueteng Going Strong- Sino Nakikinabang?

Change Scamming este Change is Coming – Saan pa kayo nakakita ng ganoong kataas na approval rating para sa isang Pangulo? Sa hindi pa gaanong katagal na kaysaysayan ng mga Pangulo ay si Pangulong Du30 pa lamang ang nakakuha ng ganito kataas na rating (90 + %), pumapangalawa pa lamang si dating Pangulong Penoy, kung ating ikukompara sa ganito ring panahon nuong siya ay pangulo na kauupo pa lamang.

Hindi natin maipagkakaila na marami na ring mga change at pagbabago na nangyayari katulad halimbawa ng humigit-kumulang na mga sampung katao (10 people) na napapaslang kada araw hinggil sa laban sa droga – ito ay isang magandang pagbabago sapagkat katulad ng isa sa mga nakaraan kong kolum ay lalakas ang negosyo ng mga punerarya. Hi! Hi! Hi! Isa pa na halimbawa ng pagbabago ay makikita naman ninyo na nagiging mas simple ang mga bagay-bagay na ayon kay pangulong Du30 ay ayaw niyang matawag na “His Excellency,” ayaw na rin niya na tawagin ng “Honorable” ang maraming mga HINAYUPAK na mga opisyales ng gobyerno. Tama lang naman ito sapagkat sa tutuo lang ay hindi naman talaga sila Honorable kung hindi ang marami sa kanila ay mga DisHonorable or UnHonorable. Pati na rin ang dress code ng Pangulo ay naging koboy na! Saan ka naman nakakita ng barong tagalog with matching maong pants?! Pati na rin ang nakaraang SONA ay natanggalan na ng kayabangan ang mga bisita at simple business dress code na lang para sa mga kababaihan. O, hindi ba puros magagandang mga Change at Pagbabago ang nangyayari???

Kaya duon sa nagsabi na Change Scamming lang yang si Du30, aba eh dapat ay antayin muna natin at obserbahan within the next 6 months kung tunay nga na Change is Coming oh Change Scamming lamang itong napasok naming mga Dutertards. Hindi ko naman pinagkakaila na ibinoto ko si Pangulong Du30, kaya isa rin akong Dutertard, Hi! Hi! Hi! .

Por da mintaym ang masasabi ko lamang ay MABUHAY KA PANGULONG DU30 AT MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO !!!

####

JUETENG GOING STRONG- SINO ANG MGA SWAPANG NA NAKIKINABANG– Mukhang walang awat at humpay ang patuloy na full-blown operation ng Jueteng at iba’t ibang mga iligal na Pasugalan. Hi! Hi! Hi! Sabi nila ang Jueteng daw at iba’t ibang sugal sa isang lugar ay hindi raw makaka-operate kung wala ang pahintulot at blessing ng mga sumusunod: Governor, Mayor, PNP regional Director at PNP Provincial Director. Ano ang sa palagay ninyo mga dear readers tutuo kaya ito??? Tutuo kaya itong teorya o paniniwala na ito na ang apat na aking nabanggit na mga BIG BOSS ay mayroong blessing sa nasabing opersayon ng mga iligal na pasugalan, at kung mayroon nga silang Blessing ay Magkano, Magkano naman ang $#@&*)(&&%#% ???

Sa puntong ito ay nais ko munang kunan ng opinyon ang aking mga dear readers hinggil dito sa kung ano ang inyong palagay kung paano natin maipatitigil ang mga iligal na pasugalan na ito. May nagsasabi sa akin na bulabugin na raw natin si Pangulong Du30 at si PDirGen Bato hinggil sa isyu na ito. Ano ang palagay ninyo mga dear readers? Maaring mag e-mail kayo sa akin through tarlacweekneder@yahoo.com hinggil sa inyong most valuable suggestions.
MABUHAY PO KAYO !!!

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *