Benepisyo ng TUPAD Program sa Tarlac City, sinimulan na

TARLAC CITY — Muli na namang nagbukas ng oportunidad si Mayor Cristy Angeles para sa mga kapus-palad na mamamayan dito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang Pamahalaang Lungsod ay tatayo bilang ACP o Accredited Co-Partner ng DOLE para sa programa nitong TUPAD o “Tulong panghanap-buhay Para sa Ating Disadvantaged o Displaced workers” na sinimulan nang ipatupad nitong ika-12 ng Hulyo, 2017.

Ang mga benepisyaryong mabibigyan ng pansamantalang hanapbuhay sa loob ng sampung (10) araw ay may kabuuang bilang na dalawampu’t limang (25) residente mula sa limang barangay: Panampunan, Salapungan, Buhilit, Calingcuan at Trinidad.

Nagkaroon ng pagpupulong at orientation para sa mga ito noong Hulyo 12 upang mabigyan ng sapat na kaalaman tungkol sa ligtas at maayos na pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin.

Ang bawat benepisyaryo ay tatangap ng arawang sahod na nakaayon sa minimum wage rate kapalit ng kanilang pagtatrabaho sa kanilang barangay.

May kinalaman sa kalinisan at kaayusan ng kapaligiran ang kanilang mga gawain na siya ring isa sa mga pangunahing layunin ni Mayor Cristy Angeles.

Sa pamamagitan ng programang ito, natulungan ang mga walang hanapbuhay na bumalik sa normal na pamumuhay habang sila ay naghahanap ng ibang trabaho.

Ang programang ito ay masusing susubaybayan at gagabayan ng City Manpower Development and Employment Service Office (CMDESO).

Maaari ring mabigyan ng pagkakataon na sumailalim ang mga benepisyaryo sa libreng pagsasanay sa tulong ng TESDA Training for Work Scholarship Program (TWSP) upang mapaghandaan ang susunod na gawaing pangkabuhayan ng mga ito./Tarlac CIO

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *