Corruption at nakawan sa gobyerno hindi nabawasan

Noong kampanya, sabi ni president Duterte, “Give me 3 to 6 months, I will stop illegal drugs and corruption.”

Paulit-ulit niyang sinabi ito noon kaya naniwala tayo at naging presidente siya.
Ngunit matapos ang apat na 3 months o mahigit dalawang 6 months, may nabawasan ba ang corruption o pagnanakaw sa gobyerno? Hindi.

May nakulong bang corrupt? Wala.

Mas masakit, pinalabas pa sa pagkaka-kulong ang mga ina-akusahang malalaking corrupt katulad ni dating president Gloria Macapagal-Arroyo.

At hindi man umusad ang mga patong-patong na kaso laban kina dating first gentleman Mike Arroyo, kay Mikey Arroyo, Arthur Yap (dating Agriculture secretary), Prospero Pichay (dating LWUA administrator na bumili ng bangko gamit ang pondo para sa inuming tubig), at iba pang nakinabang sa administrasyon ni GMA.

Hinimlay din sa Libingan ng mga Bayani ang tinagurian noon na “BIGGEST THIEF IN THE WORLD” na si dating presidente-diktador Ferdinand Marcos Sr.

Walang nakulong o nasampahan man lang ng kasong corruption sa mga dating nagnanakaw sa gobyerno noon pa.

Mismong mga tauhan lamang din ni Duterte ang mga natanggal katulad ni dating DILG secretary Sueno na inakusahang tumanggap ng lagay sa mga bagong biling firetrucks, ang kanyang NFA Manager na ‘di umano tumatanggap ng suhol sa pag-angkat ng libo-libong tonelada ng bigas, ang Director ng Bureau of Correction na natanggal din dahil hindi nasawata ang droga sa Muntinglupa, +++++

At kamakailan lamang si Bureau of Custom chief Nicanor Faeldon na di umano tumanggap ng P100 Million “pasalubong” nang umupo siyang sa BOC.

Sa kanyang “pagbibitiw”, inamin ni Faeldon hindi niya mapigilan ang corruption sa customs.

NguniT ang pinaka-malaking usapin sa ngayon ay ang pagkakasangkot ni vice mayor Paolo Duterte na tumatanggap ‘di umano ng milyon-milyong “padulas” sa mga inilalabas na container vans sa customs.

‘Di umano din, sangkot si Paolo sa paglabas sa customs ng 23 container vans na galing China, na 5 sa mga ito ay nahuling naglalaman ng P6.4 Billion halaga ng shabu. Ang 18 containers na nakalusot sa customs ni Faeldon ay pinapalagay ding may lamang shabu na may halagang mahigit P22.4 Billion.

Sa ganitong mga pangyayari, LUMALABAS NA WALANG NABAWAS SA CORRUPTION SA GOBYERNO AT, MAS MASAKIT, NADAGDAGAN PA ANG MGA CORRUPT SA PAMAHALAAN.

May natanggal ba sa mga corrupt sa DPWH? Wala.

May natanggal ba sa mga dati ng mga limatik sa BIR, Registry of Deeds, sa DepEd, sa DA, sa Dole, at iba pang mga sangay ng gobyerno? Wala ni isa.

Suma total, walang natanggal sa mga dati ng magnanakaw sa gobyerno, at nadagdagan pa ang mga corrupt.

ANO ANG GINAGAWA SA MGA TAONG HINDI TUMUTUPAD SA PANGAKO?

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *