Iba’t ibang miyembro ng TODA, bumisita sa Tarlac City Hall

Tarlac City – Nakipagpulong si Mayor Cristy Angeles sa ilang mga miyembro ng iba’t ibang TODA groups tungkol sa pagpapatupad ng ordinansa na nagbabawal sa mga public tricycles na dumaan sa F. Tañedo St. noong biyernes, Hulyo 15, 2016.

Ang biglaang pagpupulong na dinaluhan din ng POSO Chief na si Capt. Nelmida at ni Atty. Joselito Castro ay naging daan para makabuo ng isang kompromiso para sa mga TODA drivers.

Bagama’t nasa experimental stage pa lamang ang proyektong ito, sinigurado naman ang mga TODA drivers na makukuha ng Mayora ang kanilang kooperasyon habang pinag-aaralan at humahanap pa ng iba pang posibleng paraan para maisaayos ang daloy ng trapiko sa F. Tañedo St.

Humihingi naman ang butihing Mayora sa lahat ng Tarlaqueño ng patuloy na suporta at pagpapasensya para sa layuning ito. Ayon sa kanya ito ay isang parte pa lamang ng kanyang programa para maisaayos ang kahabaan ng F. Tañedo St. Ilan pa sa mga kakailanganing tutukan ay ang parking at side-street vendors na nagkalat sa lugar.

“Isa-isahin po natin ang mga problema para makabuo po tayo ng epektibo at pangmatagalan na solusyon para sa mga ito. /Tarlac City Information Office

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *