(First of three parts)
By: Bing Farres
Sitio Pag-asa, Barangay Tibag. Isang close-knit community kung saan halos lahat ay magkakamag-anak. Tahimik at mapayapang lugar. Along the main road, may mga business activities, a sign that the community is moving forward. Kapag pumasok ka sa mga interior roads (na sa kasamaang palad ay hindi pa sementado despite sa laki ng IRA ng Barangay na nasa sampung milyong piso kada taon), makikita mo ang mga puno, mga sakahan.
Sitio Kasulukan, Barangay Tibagan. Ito ang bungad ng barangay. Kadikit ng Sito Pag-asa. Unassuming ika nga. Pero pag-pasok mo sa isang rough road, isangliit na kalsada, ay makikita mo na at least yung lugar na matao ay sementado ang daan.
Sa magkalapit lugar na ito, maaliw ka sa mga alaga ng mga residente na kambing, baka, kalabaw. Matutuwa ka na maraming fruit bearing trees. Masisiyahan ka na bawat lupa ay sinusubukang pakinabangan.
Maganda. Just the right place for a simple countryside living. ‘Yan ang aming first impression sa lugar na ito. We love it. We will make it our home.
Ngunit sa kabila ng kagandahang ito, mayroon palang nakatagong salot na lumalabas sa gabi, at tuwing 35-45 days. Hindi namin ito nakita, hindi namin ito naramdaman, at ito’y aming nadiskubre lamang nung kami’y permanente nang nakatira dito.
Sa gabi, may nakasusulasok na amoy. Hindi namin alam kung saan nanggagaling. Amoy imburnal, septic tank, ‘di namin maintindihan. Masangsang! Kahit sarado ang bintana at naka-aircon ka ay pumapasok pa rin ang amoy. Paano na kaya ang mga kapitbahay namin na walang aircon?
Buwan-buwan (every 35-45 days) may dumadagsa na libu-libong langaw and stays with us for a week or two. As in swarm, na hindi mo alam kung saan nanggagaling. Pumapasok sila sa bawat maliit na butas ng aming kabahayan. Sinubukan naming i-seal lahat ng bintana at pintuan, ngunit nakakapasok pa rin sila. Pumapasok kahit sa aircon! Mag-iwan ka ng kahit anong pagkain o inumin, sa loob ng ilang segundo, dadagsain na ‘yan ng mga langaw. Hindi namin magamit ang aming “dirty kitchen” na nilagay sa labas ng bahay dahil sa dami ng langaw. Pumapasok sila Sa kotse. Kumakapit sila sa tao! You can even hear the flies buzzing! Ang tataba nila. Ang aamo. Busog na busog. Ang lalaki ng tiyan –itlog kaya nila ‘yun, o matataba lang sila talaga? Kinakailangan naming mag-spray dalawang beses isang araw, pero patuloy ang dagsa nila. Pudpod na ang aking fly swatter (at wala akong mabilhan ng pamalit). Saan sila nanggagaling?! Kadiri!
Ang oras na dapat na ilaan ko para sa aking mga anak at pamilya, ang mahalagang oras ko na dapat ay gamitin para sa isang productive activity ay napupunta sa pagbugaw at pagtapay ng langaw! What a waste of time! Hindi ko na matiis. Utang na loob! Tama na!
Pero benefit of the doubt. Kami lang ba ang may ganitong problema? May ginagawa ba kaming mali para kami dagsain ng ganito karaming langaw?
Nagtanong kami sa mga kapitbahay.
Hindi kami nag-iisa. Ang problema namin ay problema ng marami sa Sitio Pag-asa at Sitio Kasulukan. Problema ng daan-daang pamilya.
Good for us, ilang buwan lang kaming nakatira dito. Ang karamihan ay ilan taon nang nagdurusa. Ang iba, nasa 19+ years ng nagdurusa. Ang iba (na may option) umaalis na lamang at naninirahan sa ibang lugar. Karamihan, nagtitiis na lamang dahil wala silang malipatan, at ang lupain nila ay kanila pang minana.
Ang kuwento ng karamihan, hindi na nila alam gumamit ng lamesa dahil kinakailangan nilang kumain ng palakad-lakad at mabilisan para di dapuan ng langaw ang kanilang pagkain. “Sa mahal ng kape ngayon, pag dinapuan ito ng langaw ay tanggalin mo na lang siya at pilit mo pa ring inumin ang kape,” ayon sa isang kapitbahay na sinang-ayunan naman ng marami. “Hindi lang sa kape, kahit anong pagkain. Daanin mo na lang sa dasal na huwag magkasakit.”
May mag-asawang may sakit, kinakailangan nilang mag-aircon 24-hours a day. “Ang laki ng aming electric bill. Ang dapat na ipambili namin ng gamot, napupunta sa kuryente. Hindi namin mabuksan ang aming bintana. Malangaw at maamoy,” sabi nila.
Kulambo
So paano sila naka-survive? Paano na ang mga bata? Di mo naman puwedeng palakarin ang mga ito habang kumakain? Kulambo. They found comfort in kulambo. Ang kulambo ay gamit hindi lamang sa pagtulog kundi gamit din sa kainan. Hindi ko lubusang maisip. Naka-kulambo habang kumakain? How cruel!
Kulambo ang solusyon. Tuwing may okasyon, kasalan, binyagan, o ano pa man, naka-handa na ang kulambo pantakip ng pagkain. “Nakakahiya!” sabi ng isang padre de pamilya. “Nagpakasal kami. Pinaghandaan namin husto. Maraming imbitado. Napaka-importanteng araw ito sa anak ko. Pagkatapos, nataon na nag-harvest ang poultry. Dinagsa kami ng langaw. Di na nakakain ang mga bisita. Nakakahiya!”
Poultry?
Saan ang poultry? “May poultry diyan, nadadaanan niyo, yung may malaking gate. Nag petition na kami noon pero wala rin namang nangyari,” sabi ng isa. Bakit hindi kami sinabihan ng Barangay nung kami ay kumukuha ng clerance para sa building permit na may poultry pala dito na nirereklamo ng mga tao? May petition pala as far back as year 2015 na pirmado ng 184 na katao. Lucky us, may isang kapitbahay na nakapagtago ng receiving copy ng petition.
“Hindi lang ‘yan. Mayroon pa ulit kaming pinapirma pagkatapos ng 2015 petition na yan. May 400 na pirma yun. Binigay din namin sa Barangay. Wala ring nangyari. Humihingi kami ng kopya sa Barangay ngunit sabi nila wala na, natapon na,” sabi ng isang pang residente.
Nagdulot pa ito ng ispekulasyon at pagdududa na ang ilang mga residente daw ay nagpabayad kaya wala ng nangyari. O ang mga opisyal kaya?
And this is where it all began. For years, ang mga tao ay pinaikot-ikot. Pasok sa isang tenga ang reklamo, labas sa kabila. Mukhang malakas ang poultry na ito at mukhang mas kinikiligan sila kaysa sa daan-daang residente. Mukhang binabalewala ang problema ng mga tao na nagluklok sa kanila sa puwesto. Mukhang hindi na nila inisip ang impliksayon ng sangkatutak na langaw sa kalusugan ng mga maraming bata. Mukhang hindi na nahiya ang mga opsiyal ng pamahalaan na sila ay pinapasweldo ng taong bayan (mula sa kanilang amilyar), ngunit di naman nila ginagawa ng tama at tapat ang kanilang tungkulin.
Sa susunod, we will trace kung ano na ang nangyari sa petition, at ano pa ang mga nangyari mula April ngayong taon nang aming dinulog muli ang 2015 petition sa mga kinauukulan. Mababasa ninyo kung paano tinatrato ng mga opisyal ang mga maliliit na tao. Ang mga kasinungalingan. Mababasa ninyo how the problem was swept under the rug. Lies! One lie cover-up another!
Ano ba, langaw lang ‘yan!
-to be continued-
