Mahigit 600 Tarlaqueños tumanggap ng libreng hearing aid sa programa ni Mayor Cristy Angeles

TARLAC CITY [CIO]– Tuwang-tuwang tumanggap ng libreng hearing aid ang mahigit 600 residente ng Lungsod ng Tarlac na may kapansanan sa pandinig mula sa programang “Lingap, Tulong Anghel” ni Mayor Cristy Angeles.

Maliban sa libreng hearing aid na nagkakahalaga ng P70,000- P100,000 bawat isa, ang mga benepisaryo ay magkakaroon din ng free lifetime battery supply at weekly after-care service sa ilalim ng malawak na medical assistance program ni Mayor Angeles.

Bago tinanggap ang mga hearing aid, dumaan muna sa masusing pag-aakma o fitting ang bawat isang benepisaryo mula sa mga doctor at medical staff ng Starkey Hearing Foundation, USA, ang isponsor ng proyekto, at mga katuwang na mga ahensya at organisasyon.

Lubos ang kanilang pasasalamat sa butihing Ina ng Lungsod dahil sa wakas ay magiging normal na ang kanilang pakikisalamuha sa kanilang pamilya, komunidad at paaralan at sa kanilang paghahanap-buhay.

Ang dalawang araw na aktibidad ay ginanap nitong Nobyembre 14- 15 sa Central Luzon Doctors’ Hospital Educational Institution, Barangay San Pablo, Tarlac City.

Ang Starkey Hearing Foundation ay isang pandaigdigang organisasyon ng mga duktor at health professionals na nagbibigay ng libreng panggagamot at mga hearing devices sa mga may kapansanan sa pandinig sa mahigit 100 bansa sa loob ng tatlumpung [30] taon.

Ang mga tumulong na ahensya at organisasyon sa pamamahagi ng nga hearing aid ay sina G. at Gng. Bill and Tani Austin ng Starkey Hearing Foundation, Starkey International Team, Starkey Philippines, Starkey Tarlac Team, College of the Holy Spirit Batch ‘76 at ‘93, Assumption College Class of ‘68-’70, Don Bosco Technical Institute Class ‘76, Dr. Ilou Kipping, G. Ken Taylor, G. Lito Quizon, G. Constante Quirino, Jr., CLDH-EI volunteers, City Health Office, Provincial Health Office, at mga iba pang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod. /@tarlac.cio

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *