Mapayapang UNDAS 2017 sa Lungsod ng Tarlac

TARLAC CITY – Naging mapayapa ang paggunita ng mga TarlaqueƱo sa kanilang mga pumanaw na mahal sa buhay nitong nagdaang UNDAS sa Lungsod ng Tarlac.

Sa direktiba ni Mayor Cristy Angeles, binuo at ipinatupad ang Oplan Lakbay Alalay Undas 2017 na kung saan mahigpit na binantayan ang mga pangunahing mga lansangan at ang labing-apat [14] na mga pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod.

Walang krimen o anumang hindi kanais-nais na insidente ang iniulat maliban sa limang [5] minor vehicular accidents at dalawang medical emergencies nitong Oktubre 31 at Nobyember 1.

Pinangunahan ng Tarlac City Police sa pamumuno ni Chief of Police PSUPT Bayani M. Razalan, POSO- TMU, City Transport and Traffic Management Group, City Disaster Risk Reduction and Management Office at iba pang mga departamento ng Pamahalaang Lungsod ang pangangalaga sa katiwasayan at maluwag na daloy ng trapiko mula Oktubre 29 hanggang sa mismong araw ng Undas.

Ipinatupad ang traffic rerouting scheme sa mga daan papunta sa mga sementeryo at sa sentrong lungsod para maiwasan ang pagbara ng daloy ng trapiko.

Nagtalaga ng mga route safety marshalls at nagtayo ng police assistance hubs upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan lalo na sa matataong lugar.

Ang pagbuhos ng ulan nitong hapon ng Nobyembre 1 ay nagresulta ng bahagyang pagliit ng mga bumisita sa mga sementeryo ngunit nagpatuloy ang masusing pagbabantay ng mga tauhan ng Oplan Undas 2017.

Siyam [9] na NGOs ang boluntaryong sumuporta at tumulong sa Oplan Undas 2017 kabilang na ang DELTACOM Central Tarlac, Kabalikat Civicom, Guardians Brotherhood, Maligaya Riders Club,Tarlac Optimax Riders, CURCP at MIO Soul Riders Club.

Ang iba pang mga ahensya at departamento ng Pamahalaang Lungsod na nagbigay ng suporta ay ang City Information Office, Office of the City Engineer, City General Services Office, City Environment and Natural Resources Office, City Health Office, Philippine National Red Cross- Tarlac Chapter at Bureau of Fire Prevention./@tarlac.cio

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *