>Mga drug lords asan na? >Pres Du30 –OVERACTING!

Mga drug lords asan na – Mr. President tigang este Digong, Ser, asan na po ang mga sinasabi ninyong drug lords na inyong itutumba at patitigilin? Yuon po ba ang mga limang Heneral na pinangalanan ninyo ng walang matibay ebidensya??? O baka naman yung isang Peter Lim na inyong ka-kumpare at election campaign donor/supporter ang tinutukoy ninyo na drug lord??? O baka naman yuon na ang mga nasa loob ng munti na sina Golangco ang company???

Alam naman ninyo Mr. President tigang este Digong, inaasahan ng mamamayang Pilipino ang inyong pangako na patitigilin ninyo ang malalaking drug lords at hindi lang ang puros mga naka-tsinelas ang inyong tinotodas. O, baka naman hanggang puros pipitsuging tulak lang ang inyong kaya, at siguradong may mga kaso pa ng mga salvaging ng mga inosenteng Juan dela Cruz!!!

I-bunyag na ninyo ang pangalan ng mga Polpolitiko (Mayors, Gobernatongs, Tongressmen, Senatongs) na involved sa drug trade maging supporter, pusher at protector sila. Please name names Mr. President, SIR.

####

Pres Du30 –OVERACTING (OA)- Ano ba namang klaseng pang-famas awards ang nakikita natin na dramang matindi ni Pres Digong? Ano ba naman klaseng overacting ang kamakailan ang nakikita natin sa social media at naipapabalita? Anu-ano ito ka ninyo? Eto ang tatlong halimbawa: No. 1- ang kanyang convoy ay humihinto sa traffic at mga traffic lights, ano bang kalokohan ito eh ibig mong sabihin hindi ganuon kahalaga ang oras ng pangulo kaya puwede siya ma-stak sa traffic? Oh, C’mon, dapat ay hindi na humihinto sa traffic lights ang Pangulo sapagkat napakahalaga ang bawat minuto o segundo ng oras ng Pangulo kaya dapat ay exempted siya sa traffic. Siya lang po. No. 2- nakita natin na kunwari ay dumadaan siya sa screening sa airport kung saan dumadaan pa siya sa x-ray machine samantalang ang kanyang mga PSG security ay nilalampasan lang ang mga ito! Oh, C’mon Mr. President. Kaya nga mahigpit ang check point sa airport ay dahil sa mga taong katulad ninyo! Pero ang iyong mga security ay hindi naman dumadaan sa security check? Eh ano yun? At pa kunwari ay sa economy class pa naka-sakay, ngunit naka cordon off din naman sa ibang pasahero?! Bayad kaya lahat mga upuan na yuon o complimentary ng airline??? Dapat ay mag-private jet ka na lang Mr. President para wala ng abala sa mga ordinaryong mamamayan etc…. No. 3- isa pang nakakataw at pinakita pa sa social media na pumipila pa sa isang linya papunta sa buffet table sa Malacanang para kumuha ng pagkain. Ang galing nga naman ano, istail Pope Francis ‘yan Mr. President! Hindi po ninyo original ‘yan at si Pope Francis pinakita na siya ay pumipila sa cafeteria ng Vatican. Ang tanong ngayon ay pipila ka rin ba sa ibang mga buffet table sa ibang mga lugar??? Hindi ko lang lubos na maisip na ang isang pangulo ay pakunwaring pipila pa sa isang buffet table. Bakit, once again ay hindi ba ganoon kahalaga ang oras ng pangulo???

But in fairness sa inyo Mr. President, gusto ko yung gagawin ninyo na i-simplify ang darating na SONA at saka na rin ang ayaw ninyo na tawagin na “His Excellency.” Aprub na aprub po ako duon at isang malaking YES at bilib ako sa mga moves niyo na ‘yan. Kung sabagay titulo lang naman kasi ‘yan at wala naman sa titulo ‘yan. Kung hindi nasa gawa, nasa accomplishments ang bottom line.
MABUHAY PO KAYO PANGULONG DIGONG

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *