Ano ba naman itong ating nakikita sa pagiging isang napaka-immature nitong si Pangulong Digong. Ano ba naman itong nangyari na pagbawi ng Malacanang ng imbitasyon kay VP Robredo nitong nakaraang bisita ni PM Abe ng Japan sa dahilan na karapatan daw ni PDigong na imbitahan ang nais lang niyang imbitahan sa kanyang bahay na ang Malacanang.
Una sa lahat ay hindi naman talaga bahay na pagmamay-ari ni PDigong ang Malacanang kung hindi siya ay isa lamang temporary occupant for the next 6 years.
Pangalawa ay ang Office of the President at ang Office of the Vice President ay both constitutional offices na ang mga nakaposisiyon sa mga pwesto na ito ay parehong nahalal ng sambayanan.
Pangatlo ay bakit nung una ay inimbita at nung nagkakalabuan na sila ng samahan ay binawi ang imbitasyon? Ito ay isang hakbang o move na nagpapakita sa sobrang immaturity ni PDigong. Dapat nating tandaan na ang Office of the President at Vice President ay mga opisinang mananatili at ang kanilang mga occupants ay temporary lamang at ang isang foreign visit from a prime minister ay may foreign affairs aspect kung saan ang Bise Presidente ay nararapat lamang na anduduon bilang pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa. Alam naman ninyo mga dear readers na ako ay isang certified BBM loyalist at hindi ko rin gusto si VP Robredo, ngunit sa ipinakitang paga-asta ni PDigong ay isanag galaw o hakbangin ng isang very immature na lider. Sigurado ko yan na kung si BBM ang ating Pangulo ay hindi ganyan ang kanyang magiging pag-asta. Ika nga ng isang tanyag na komentarista na ang pinakita ni PDigong is the height of political immaturity.
####
Sa kasalukuyang mga liderato ng mundo, sino kaya sa kanila ang mas may sayad? Si Putin kaya ng Russia, si Basher Alasad kaya ng Syria, si Kim Jong Un kaya ng Nokor, si Donald trump kaya ng USA, o si President Digong ng Pilipinas? Hi! Hi! Hi!
Isang napakahirap sagutin na katanungan na kahit na ako ay hindi ko masagot, ngunit sa binitawang salita ni President trump na ang CNN daw ay isang fake news agency ay isang katawa-tawang komento na nagmula muli sa isang taong mahilig manindak ng mga medyas na hindi niya kakampi at kritikal sa kanya.
Hinggil sa mga kaganapan noong late 2016 at kamakailan ay hindi ako positibo na gaganda ang taong 2017 bagama’t sa aking palagay ay magiging isang napakalala na taon ang 2017. Bakit ka ninyo?
Trump Presidency – tawagin mo ba naman na fake news agency ang CNN ang isa sa pinakamalaki na news agency sa buong mundo?
Duterte Presidency- patayan dito at patayan everywhere.
Putin, Kim Jong Un at mga iba pa na mga liderato na puros may kanya-kanyang sayad o tama!!!
NALPAS!
