Walong alkalde sa Tarlac, naging matagumpay sa kanilang re-election bid

Walong alkalde sa lalawigan ng Tarlac ang naging matagumpay sa kanilang mga re-election bid.

Base sa datos na nakalap mula sa Commission on Elections at Department of the Interior and Local Government, wagi sa Bamban si Jon Feliciano na nakakuha ng 14,159 boto laban kina Ding Anunciacion na may 8,974 boto at Ador Pascual na may 4,862 boto.

Sa Concepcion, winner by landslide si Andy Lacson na may 57,973 boto kumpara kina Enrique Quizon na may 6,351 boto at Rudy Macalino na may 1,451 boto.

Sa La Paz, nanalo si Bong Manuel sa botong 16,588 laban kay Romar Reyes na nakakuha ng 11,494 boto.

Sa Mayantoc, balik munisipyo si Iluminado Pobre Jr. sa botong 8,534 kumpara sa 5,841 boto ni Tito Razalan.

Sa Pura, wagi si Concepcion Zarate sa botong 7,607 kumpara sa 4,822 boto ni Ferdinand Valdez at 34 boto ni Renato Alcantara.

Sa San Manuel, alkalde pa rin si Benjamin Tesoro sa botong 8,292 kumpara sa 4,004 boto ni Melvin Malazo.

Kapwa naman naging sigurado ang tagumpay nina Dado Reginaldo ng Ramos at Jose Yap Jr. ng San Jose pagkat wala silang mga kalaban./CLJD-PIA 3

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *