• Panahon na para ipatigil ang JUETENG atbp • ATTN: PRES DIGONG & CHIEF BATO

Panahon na para ipatigil ang JUETENG atbp – Ano bang klaseng kaplastikan itong nagaganap sa kasalukuyan na susugpuin daw within the next 3 to 6 months ang salot na droga? Ako ay sang-ayon at todo suporta ako sa ganitong adhikain ng ating PNP bagama’t hindi lang naman iligal na droga ang problema sa lipunan. Anjan din ang patuloy na operasyon ng JUETENG at laganap pa rin ang operasyon ng samu’t-saring mga sugal kung saan ang malinaw na istilo ng mga PNP officials at pati na rin ang mga local officials katulad ng Mayor at Governor pagdating sa mga iligal na sugal ay HEAR NO EVIL, SEE NO EVIL AND SPEAK NO EVIL!!! Hindi ba naiintindihan ng mga kinaukulang opisyales na aking binanggit na ang patuloy na operasyon ng JUETENG at iba pang sugal ay lalong nagpapahirap sa mga mahihirap? O baka naman mga BOSSINGGG, masyadong maganda ang inyong mga tinatanggap at hindi ninyo matalikuran ang inyong mga biyaya mula kay *^%$#@()JH^$$. PWWWEEE….. Ano ba naman kasing ka-ipokritohan at kaplastikan ito mga dear officials ng PNP, Mayor, at Governor?! Kailangan pa ba na mag organisa ng isang civil society manifesto o rally on anti gambling? O baka naman kailangan pa talaga na mag-courtesy call ang iba’t ibang hanay ng medyas este media at saka dumalaw mismo sa opisina ni Chief Bato para ipakita at isumite ang iba’t-ibang ebidensya at dokumentasyon ng patuloy at laganp na samu’t-saring mga sugal sa inyong mga AOR???

####

ATTN: PRES DIGONG & CHIEF BATO – Mga Bossing, maaari bang magtanong kung mayroon po ba kayong plano na patigilin ang mga iligal na pasugalan, o wala ? Alam naman ninyo siguro na ang isang iligal na sugal ay iligal (period) at kahit na ano pa man ang katwiran ng mga nakikinabang sa Jueteng, ito ay iligal at dapat na ipatigil sa lalong madaling panahon. Pres. Digong, mayroon ka pang mga bukang bibig na observance of the rule of law, due process etc…, eh bakit laganap pa ang mga iligal na sugal??? Chief Bato, Pres Digong, BAKIT???

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *