•Inauguration ni Dudirty at Manang Leni!!! •Patayan sa Tarlac, nakakabahala!!!

Inauguration Ni Dudirty & Manang Leni – Malapit na ang inauguration ni President Dudirty. Ayon sa komentaryo sa media ay ayaw daw ni Dudirty na ipagsabay ang kanyang inauguration kay Manang Leni para sa ganoon ay mas makapag imbita si Manang Leni ng mas maraming bisita sapagkat ang inauguration ni Dudirty ay gaganapin sa Malacanang at mahigit 500 plus guests lamang ang imbitado. Tsk! Tsk! Tsk! Ayan ang istilo ng ating magiging unifying president?!

Tunay na unifying ang istilo nitong si Dudirty sa kanyang VP na Manang Leni kung saan hindi pa nga niya bibigyan ng kahit na anong puwesto sa kanyang cabinet. Ano marahil kaya ang posibleng mga kadahilanan nito? Sa aking pananaw ng mga posibleng dahilan ay: [1] Hindi papayag itong si Manang Leni na basta-basta na lang siya cha-chansingan o hahalik-halikan ni Dudirty (alam naman natin na istilo ni Dudirty yan). Aba eh may tulog si Dudirty kung gawin niya iyan kay Manang Lenis. Ang mga mababastos na mga biro ni Dudirty hindi yan oobra at palalampasin ni Manang Leni. [2] Pangalawa ay itong si Manang Leni ay matindi rin ang istilo sa masa at baka masapawan si Dudirty at ma-outshine ni Manang Leni si Dudirty. [3] Masyadong concerned si Dudirty sa feelings ni BBM at ayon sa kanya na mismo ay ayaw niyang ma-offend o ma-hurt ang feelings ni BBM. Hi ! Hi ! Hi! Kaya kung ma-atake ka Dudirty, patay kang bata ka at pati na rin mga alipores mong mga nakapaligid sa iyo.

Para sa akin ay mali ang ganitong istilo ni Dudirty, “The unifying President” na ayaw niyang bigyan ng puwesto sa kanyang gabinete itong si Manang Leni. Kung ang mga nasa kaliwa etc.., ay nabigyan niya ng puwesto, bakit mismo ang kanyang VP ay kanyang binabalewala???

oOo

Patayan sa Tarlac, nakakabahala- ano ba ang nangyayari sa peace and order sa bayan mismo ng Tarlac? Tanghaling tapat ay ating nakikita ang mga napapaslang, mga binabaril ng mga riding in tandem. Ano ba naman ito PSSUPT. ALEX B SINTIN, Sir? Ayon sa aking impormante, nitong nakaraang linggo (last week) ay tatlo ang pinaslang sa iba’t ibang lugar ng bayan mismo sa Tarlac, and the week before last ay dalawa naman ang pinaslang. Ayon sa mga usap-usapan ay puros mga drug related daw ito at posible daw na mga small time drug courier/pusher ang mga ito na inililigpit na sila bago pa man sila maka-kanta kung sino-sino ang mga nasa likod nila. Tandaan natin ang kasbihan na “dead men tell no tales.” Tutuo kaya ang ganitong kwento-kwento? At bakit naman sila kailangan pa na iligpit? Bakit hindi na lang muna sila mag bakasyon habang mainit daw ang papasok na administrasyon ni Dudirty sa droga?

Ayon pa sa aking mga impormante ay pati raw mga iba’t-ibang sugal ay ipinatigil ng iba’t ibang mga PNP Regional Directors sapagkat may napipintong malawakang balasahan sa mga RD, CD at PD ng PNP at ayaw nilang mabutasan. Patay kayong mga bata kayo, at mukhang mag papakitang gilas muna itong si Ronald “Bato” Dela Rosa na isang ayer ng class 1986. Hi! Hi! Hi!

Itong si Chief PNP Bato nilagpasan ang apat na taong mga upper class niya, kaya marami-rami rin ang mga nasa hanay ng upper class niya from class 82-85 ang hindi masyadong nagagalak at siya na ang magiging Chief PNP.
Buhay nga naman oo!!!

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *