10,000 karagdagan na sundalo ConAss o ConCon

10,000 karagdagan na sundalo – Ayon mismo sa ating beloved Pres Du30 ay nais niyang madagdagan pa ng 10,000 na sundalo ang Sandatahang Lakas o Armed Forces. Ano kaya ang posibleng kadahilanan nito? Ngunit bago ko talakayin ang hinggil dito ay nais ko lang punahin na siguradong napansin ninyong lahat na si Pres Du30 ay kamakailan lang ay bumibisita sa iba’t-ibang mga kampo ng military at napansin din siguro ninyo na mukhang mahilig siyang sumipsip sa PNP at sa Militar at mukhang masasabi natin na mahilig o paborito niya ang dalawang sector o grupo na ito. Kung bibigyan ko ito ng hindi masyadong kanais-nais na kahulugan at palalaruin ko ng mas malawak ang aking isipan, maari kong isipin na may pinaplano itong si Pres Du30 na magdeklara ng Martial Law kaya kailangan na malakas siya sa militar at sa pulis. Sa kabilang banda naman ay posibleng kaya niya ninanais na maging malakas sa pulis at militar ay sa dahilang alam niya na marami siyang binabangga kaya posible na may mga magtangka na magsagawa ng kudeta. Ngayon, dahil sa malakas siya sa military ay imposibleng magtagumpay ang isang kudeta; kaya proteksyon niya ang military at pulis for his self preservation.

Ngayon na may panukala si Pres DU30 na mag dagdag pa ng mga 10,000 na sundalo, kung inyong iisipin ay tama kaya ito? Base sa laki ng ating populasyon na 100M, hindi ba’t karamihan ng mga bansa maliban lang sa North Korea at China ay ang kanilang nais ay magkaroon ng isang lean and mean ika nga na sandatahan at hindi ang isang bloated na military? Bakit di na lang mag dagdag na lamang ng mga teacher at mga health workers para sa ganoon ay mas matugunana ang problema sa edukasyon at kalusugan ng mamamayan? Ano kaya ang nasa utak ni Pres Du30 kung bakit niya ninanais na mag dagdag ng 10,000 na sundalo???

Bagama’t naisabi rin ni Pres Du30 na nais rin niyang palakihin ang PNP at mag dagdag pa ng mga pulis, ito ay nababase rin sa ideal na ratio ng mga pulis hinggil sa laki ng populasyon kaya OK lang ang madagdagan ng pulis; ngunit sa military? Sa aking pagkakaalam ay bloated na nga ang ating military at lumalabas na tatlo singko na nga ang mga koronel at pati na rin mga heneral.

Tunay na kataka-taka ang mga adhikain nitong si Pres Du30 sapagkat kung saan nagiging civilianized ang maraming mga bagay sa mundo at katulad na rin ng ating saligang batas kung saan sinasabi na nangingibabaw ang civilian authority over the military, eto ngayon ang ating pangulo na para bagang may hangover pa sa batas militar. O baka naman frustrated military man itong si Pres Du30?

Kung sabagay, panahon lang ang makapagsasabi kung ano ba talaga ang mga intensyon at motibo ng ating pangulo sa kanyang ipinapakitang pagpapabor sa military at pulis. Abangan natin, siyasatin at manmanan ng mabuti ang mga galaw ni Pres Du30.

####

ConAss o ConCon– No way to Conass, yes na yes to Concon. Talaga naman itong si Pres Du30, nung una sinasabi ng kanyang mga tuta na mas pabor siya sa Concon, ngunit bigla siyang nag about face at Conass na ngayon ang gusto niya at isinisigaw ng kanyang mga tuta sa tongreso este kongreso. Napakaseryosong bagay po ang pagbabago ng ating Saligang Batas o Konstitusyon na hindi po natin basta bastang itiwala sa mga tongresmen este congressmen. Kahit ano pang dahilan at katwiran na kesyo makakatipid tayo ng 5 to 7 billion kapag mag Conass ay hindi ito sapat na dahilan at isang napakalaking sugal para sa atin na itiwala natin ang isang napakamahalagang bagay sa mga congressmen. Dapat ay Constitutional Convention o Concon ang isatupad ng mapag-aralan at maisagawa ng maayos at tama ang ating Konstitusyon o Saligang Batas.

Kaya’t mag-ingat po tayo mga dear readers, huwag po tayong magpapalinlang sa mga polpolitikong matatamis ang dila ngunit ka duda-duda ang kanilang intensyon at balak.
KAYA ANG SIGAW AY ISANG NO NO NO TO CONASS AND YES YES YES TO CONCON!!!!

You May Also Like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *