Putang ina, putang ina mo, son of a whore, sanamabits, sanamagan at sari sari pa na mga mura na maari natin sabihin.
Kamalas-malasan natin na ang ating Pangulo ay mahilig magsabi ng katagang “putang ina.” Bagama’t mayroon na palang isang Supreme Court ruling kung saan sinasabi na ang pagbigkas ng katagang “putang ina” ay hindi isang pagmumura kung hindi isa lamang salitang nagpapahiwatig ng sama ng loob. Ito ay totoo, sapagkat depende naman ‘yan kung paano mo binigkas ang katagang “putang ina” na kung halimbawa sinasabi mo lamang ito as an expression katulad ng sanamabits o sanamagan na madalas sinasabi ng mga kano.
Ngayon, paano ba sinabi ni PDu30 ang katagang “putang ina” nung siya ay nagbigay ng isang speech bago siya umalis patungo sa pulong niya sa bansang Lao kasama ang mga ibang world leaders? Ang “putang ina” ay kanyang binigkas habang siya ay galit na galit, at anya ito ay maari niyang sabihin kay Obama kung makikialam si Obama sa pamamalakad ni PDu30 hinggil sa diumano ay mga malawakang human rights violations dala ng mga extra judicial killing at iba pa na mga pinapatay ng mga pulis. Sabi pa ni PDu30 ay “Bakit sino ba siya?” referring to Obama. Kaya, malinaw na galit si PDu30 nung kanya itong binigkas.
Sa isang banda ay tama naman si PDu30 sapagkat sino nga ba itong si Obama, kung hindi siya lang naman ang Pangulo ng pinakamakapangyarihang bansa sa mundo kung saan ang sambayanang Pilipino ay umaasa ng tulong at suporta, kaya tama si PDu30, sino nga ba yang Obama na yan!
Pangalawa ay, nakita naman natin na ang Estados Unidos ay pumanig sa atin pag-dating sa desisyon ng UNCLOS laban sa China, kaya kung aking maihahalintulad kung baga ay nakatira ka sa isang komunidad at napapagitan ka ng dalawang higanteng bahay at ang isa ay bully o maton at yan ang China at ang isa naman ay matulungin at sumusunod at ginagalang ang batas, eh kanino ka mas papanig? Siyempre sa kapitabahay mo na mabait at kumakampi, tumutulong sa iyo. Kung halimbawa ay babastusin mo ang kapitbahay mo na tumutulong sa iyo, ano na ang mangyayari sayo? Ganyan lang naman ka simple sa aking pananaw ang nangyari sa sitwasyon na ito. Bastusin mo ang America, ok lang yan sa mga Kano at ikatutuwa pa ng China yan. Ngunit ang tanong ay, hindi na ba natin kailangan ang mga Kano at mas gusto ba natin at maaasahan ba natin ang mga Intsik?
THE CHOICE IS SIMPLE. DO WE NOT NEED THE USA MORE THEN WE NEED CHINA, YES OR NO? DO WE PREFER TO BE ALLIED AND DO YOU THINK WE CAN COUNT ON CHINA?
AND FINALLY MAYROON KASABIHAN NA “Beggars cannot be choosers.” Aminado tayo na napakaraming naghihirap sa ating bansa at aminado tayo na kailangan natin ang tulong at suporta ng Estados Unidos, kaya the bottom line is, wala naman tayong maipagmamalaki ng basta sasabihin na lang ng ating pangulo na “Sino ba siya?” and that we are a sovereign independent state.
Ang masasabi ko lang ay, mahal na Pangulo, sige ipakain ninyo sa milyun-milyong Pilipinong nagugutom ang pakunwaring national pride at sovereign state na pinagsasabi ninyo at kung ito ay makapagdudulot ng kaginhawaan sa milyun-milyong Pilipinong nagugutom ay sasamahan ko pa kayo sa pagalit-galit na pinapakita ninyong kaya ninyong murahin ang pangulo ng Amerika, kung saan ang tunay na ugat lamang ng lahat ng ito ay ang INYONG AMOR PROPIO NA AYAW NINYO NA MAYROON KAHIT SINUMAN (MAGING ANG UN-Banki Moon, CHR-Chito Gasco, US-Barrack Obama, etc) NA MAG KU-KWESTIYON SA INYONG MGA PINAGGAGAWA!!! Tang ina naman talaga!