Bago ang lahat ay nais kong batiin ng isang Maligayang Pasko at Maluwalhati, Maginhawa, at Maunlad na bagong taon ang lahat ng ating mga dear readers ng kolum na ito at pahayagan na ito sa darating na taong 2017.
####
Ako ay talagang nagtataka at marahil ay marami sa inyo ay ganoon din ang iniisip hinggil sa pigura na ilang beses nang pinagsasabi ni PDu30 na mayroon daw 4 million na drug addicts sa ating bansa.
Ang tanong ay paano nasabi ni PDu30 ang ganitong pigura? Paano niya nalaman na 4 million at hindi 5 million or 3 million etc… ang drug addict sa ating bansa? In short, ano ang basis if any para masabi ni PDu30 ang ganitong pigura? Sila ba ay gumawa ng isang masusuing sayantifiko na pag-aaral ? Ang 4 million ay katumbas sa 4% ng kabuuang populasyon ng ating bansa na 100 million.
Basta-basta na lang ba tayong mga Dutertards na maniniwala sa mga pinagsasabi ni PDu30 na wala man lang kahit na ano mang paliwanag (supporting data and/or studies) kung paano niya nakalap ang pigura na ito?!
Alam naman nating lahat at ito ay ilang beses na nating nakita na magaling sa puros kiao-kiao itong si PDu30 at sa ibang araw ay kanyang maaring sabihin na siya ay nagbibiro lamang! Samakatwid ay how can you believe the word of a joker and a liar? Simply no way!
Ang dapat gawin ni PDu30 ay kanyang ipaliwanag kung ano ang basehan ng pigura na ito at kanya itong ipaliwanag sa madla.
Ngayon, hinggil sa kasalukuyang pigura na namamatay na 1,000 per month (both for EJK and alleged police encounter [nanlaban daw]) aba eh balewala ito, Mr. President, kasi ang 1,000 katays per month x 12 months in a year x 6 years (termino ni PDu30) = 72,000 na dedbol pa lamang ang mapapatay diumano hinggil sa much vaunted and over-hyped drug war ni PDu30. Kaya nga lang katulad ng aking nabanggit sa mga nakaraan kong kolum ay mukhang puros mga naka tsinelas lang at mahihirap ang kinakatay at wala naming mga big time. Yuon kaya ang instructions sa PNP ni Chief Bato at ni PDu30? Kumatay kayo ng mga tongressman o anak ng mga tongresssmen, governors, mayors etc at maniniwala ako na parehas at patas ang inyong ipinaglalaban!!!
Sa ngayon ang nais ko lang na iwanan kayo ng isang mensahe. After 6 years ng termino ni PDu30 ay magtago na kayo sa pinanggalingan ninyo at sigurado ko na lintik lang ang walang bwelta. 72,000 na katao ang makakatay, imposibleng walang bwelta sa inyo at possible pa na madamay ang inyong pamilya na insosente. Kaya mag-esep-esep kayo ng maboti ngayong kapaskohan, kayong mga nagsasagawa ng EJK at alam naman ng lahat kung sino ang may pasimuno at may pahintulot sa mga EJK.
